KINOMPIRMA ni Maureen Larrazabal na nagpositibo siya sa CoVid-19 this afternoon, September 6, for the simple reason that it was the result of her swab test.
“Monthsary na namin. Ang clingy ni virus. Kaloka!”
asseverated Maureen.
Wala raw siyang idea kung saan siya nahawa dahil
asymptomatic siya.
“I really have no idea kung saan ako nahawa dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay.”
Once pa lang daw siya nagpa-swab test after what happened to her. Positive pa rin daw siya dahil ‘yung traces, nasa system na niya.
“I need to quarantine again for fourteen days because baka nare-infect ako.
“Talagang pasalamat na lang ako at wala akong nararamdaman.
“Unlike noong una na talagang hindi ako halos makakilos.”
Marami ang humanga sa ipinakikitang determinasyon ni Maureen para malampasan ang health crisis na nararanasan.
“Super workout ako para healthy. What to do?
“I can’t complain kasi walang symptoms and suwerte pa rin ako dahil marami ang to be thankful for.
“Mapapanood sa Maureen Larrazabal Official YouTube ko ang mga video ng exercises ko.
“Siyempre, gusto ko naman na after ng lahat ng mga pinagdaraanan ko, masasabi ko na survivor ako ng CoVid-19 and I looked good having it.”
May payo rin siya sa mga kababayan nating pinanghihinaan ng loob dahil positibo sila sa CoVid-19.
“Ay, huwag ma-depress at mawalan ng hope. Everything is temporary.
“Don’t let CoVid stop you from doing the things that you want to do. Have faith and know that His plan is greater than ours.
“And huwag mag-nega at kung ano-anong hate posts or complaints kasi with everything that’s happening now, that’s the last thing we need.”
But if ever there’s something that Maureen is thankful for, it is the love and support that GMA-7 has shown to him.
Kahit naka-quarantine raw kasi si Maureen, the management allowed her to tape for Pepito Manaloto.
But she is not obliged to report on the set for most of her scenes were taken in the house with the help of of Zoom lense in her cellphone.
“Sobrang bait ng GMA-7. Twice a day ang pag-update ko sa kanila ng temperature ko at super hindi nila ako pinabayaan,” she asseverated.
Ramdam na ramdam daw niya ang pagiging Kapuso dahil sa malasakit na natatanggap niya mula sa kanyang home network.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.