Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manilyn at Arthur, balik-taping na sa Pepito Manaloto

MAS sasaya ang inyong “ber” months dahil balik-taping na ang cast ng award-winning comedy sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento para sa kanilang fresh episodes.

Sa kanyang Instagram ay ipinasilip ni Manilyn Reynes (Elsa Manaloto) ang behind-the-scene photo nila ng co-star na si Arthur Solinap (Robert). Mapapansin na habang hindi pa nakasalang sa camera ay maingat ang dalawa na nakasuot ng face mask at sinusunod ang proper social distancing.

 

“Ngayon na lang po uli nakapag-taping sa labas, simula community quaratine nOOng Mar. 15. First scene po ito ~ sina Elsa at Robert @arthursolonap. Lahat po nakasunod sa mga kinakailangang gawin para mapanitiling safe ang bawat isa. Salamat po, dear God,” ani Manilyn.

Noong Sabado ay may special comeback episode ang cast ng Pepito Manaloto para sa kanilang fans. Nagsama-sama sina Michael V., Manilyn, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares para sa isang masayang kumustahan segment at nakakaaliw na mga palaro.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …