ALIW na aliw kami sa pagsalang ni Ruffa Gutierrez sa Chika Besh ng Cignal TV5 featuring the trio of Pokwang, Pauleen Luna and Ria Atayde.
‘Sangkaterbang kuwento kasi sa mga bagong ginagawa ni Ruffa sa buhay ang inikutan ng mga tsika.
Bukod sa naging Plantita na si Ruffa o isang HalaMom, ‘sangkaterba nga munang mga indoor plant ang namatay sa kanyang mga kamay. Ang dami-rami pa mandin niyang binili dahil na-excite nga siya.
“After a week, wala na namatay na silang lahat. Pati grass sa bahay ko namatay na rin. So, I got a gardener. ‘Yung nag-aalaga rin sa dogs namin na mahal na mahal niya. Basta may green thumb. Ayun, nabuhay naman lahat.
“My favorite is the Snake Plant. Sabi ng Feng Shui Adviser ko, never a cactus plant kasi malas daw sa lovelife.
“I love to sing kaya kinakantahan ko mga plant kaya lang singing does not love me. ‘Pag luto-luto ko I sing pinagsasabihan naman ako ng mga anak ko to keep quiet.”
Ano naman ang na-realize niya sa panahon ng pandemya?
“Kung marami kayong sapatos, lahat itapon na. Sa buong panahon ng pandemic, tatlong pares lang ng tsinelas ang nagamit ko. When I visit my parents, ‘pag lalabas ako. Mga flat. Buhay na buhay ako. A big lifestyle change. That life is short.”
Malaki pala ang epekto ng mga natutuhan niya sa Feng Shui from a friend. Si Marites Allen ba ‘yun?
“Look ‘am wearing polka dots now. Para maraming dumating na datung. It’s about conditioning your brain. And I have this special chair in my house. Roon ako umuupo. When ‘am doing business, making my schedules, ayun maraming dumarating na projects. Matagal na akong OC.
“Everything I have now is a blessing. Kaya am thankful. One thing I also learned and did was to let go of so many things from my store room. Until now kasi, nandoon pa ‘yun like mga damit na feeling ko maisusuot ko when I lose weight. From the 90 boxes naging 70. Now 40 na lang. I really keep things. Now, I have learned the habit of letting go. Sa ex ko rin.”
Ngayong mga dalaga na sina Lorin at Venice, natutuhan din niya na palakihin ang mga ito na hindi nawawala ang komunikasyon sa mga bagay na mapag-uusapan ng ina sa kanyang mga anak.
“Especially when it comes to boys. Now, naiintindihan ko si Mommy. Kasi nga, being the only girl, feeling niya 18 years old pa rin ako. But we are okay. At the end of the day, whatever happens, we try to fix things. Life is short. Now, I have learned to be more prayerful.”
Alam na ni Ruffa kung paano mag-alaga ng kanyang mga halaman. Pero more than that, ang buhay nilang mag-iina sa bagong ikot ng mundo ang buong ningning na niyang naaasikaso bilang isang single parent.
Ang galing ng chika ni besh! Bow ang tatlong girls!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo