NADAANAN namin ang isang mensahe ni Anjo Yllana sa kanyang Facebook page.
Sabi niya, “To whom it may concern, I have opened up schools since 2007 in Quezon Province and Camarines Sur.
“My only objective was to help the less fortunate students to continue their studies with cheaper tuition fees but with higher educational standards.
“Unfortunately unexpected problems arose when we had difficulties dealing with CHED and TESDA. Naturally students complained when they did not get their certificates after graduating.
“After numerous talks in court we have finally agreed on a settlement. In behalf of YLLANA Schools in which I put up I would like to apologize again to the people affected by this incident that may have cause pain and stress to some of our former students.
“I have decided to close the school last year due to lack of funding and RED TAPE is very much active in government even if one of the President’s priority is to fight corruption and red tape.
“I would also want to thank ARTA (Anti-Red Tape Authority) Director General Jeremiah Belgica for informing us and enlightening us about the irregularities of the delay of certificates from CHED and Tesda when they watched us in “Raffy Tulfo In Action TV5.
“Again I am truly sorry for this regretful incident that has transpired.
Sincerely, Andres Jose G. Yllana Jr.️️”
At kagyat kaming nagtsikahan tungkol doon.
“’Yung schools ko started 2005-2007 but bec of competition din break even nalang kami till I closed it last year.
“Medyo nahirapan kami makipag-coordinate sa TESDA kaya nagka- delay ‘yung certificates. We decided to close the school kasi bagamat gusto namin makatulong nahihirapan kami sa mga requirement ng TESDA.”
***
Confident sa bagong tahanan sa Net25
SA September 14, 2020, (12 noon to 2:00 p.m.) kasama sina Janno Gibbs at KitKat, nasa bagong tahanan si Anjo sa isang noontime show ng Eagle Broadcasting Corporation, ang Happy Time.
“Kay Janno confident ako na maganda naman ‘pag umere kami kasi dati ko na siya kasama sa ‘Ober Da Bakod’ days pa.
“Si KitKat, sa ‘Eat Bulaga’ rin kami nagsama pero short lang parang mga one month lang yata s’ya roon. Okay po si Kitkat kasama kuwela po siya madali lang po katrabaho.”
Buhay sa “new normal.”
“Like everybody we are experiencing a different life ‘yun lang ang normal ngayon na lahat tayo apektado but marami nga ang ipinagbago everywhere. Lalo na sa pagtrabaho sa industriya ng showbiz.
“Uso ngayon ang salitang lock-in na lahat ng nagtratrabaho sa teleserye eh susunod sa mga protocol ng goverment. Swab tests and quaratine rin, bawal umuwi na at bumalik sa rented house for locations. Iba na. Sana magka-vaccine na kasi mahirap kumilos under pandemic.
“Sa live shows ganoon din rapid testing and have to follow government protocols din.”
Kung maisipan na ni Covid-19 ma gumib-ap na at lumayas, ano ang unang-una niyang gagawin?
“Kung mayroon akong pera first thing I will do is baka ipasyal ko ang buong pamilya ko kahit malapit lang para maramdaman ulit nila ‘yung parang freedom na nawala kasi one year na sila sa loob ng bahay. I am sure miss na nila lumabas at siguro baka makapagbakasyon man lang sa beach, sa Baguio, sa Tagaytay, para maramdaman nila agad na normal na ulit ang buhay.”
At ang kanyang minamahal na pamilya?
“Very hard kasi noong ECQ hindi kami nagkikita ng nanay ko at mga kapatid ko buti nalang may messenger at zoom, doon na lang kami nag- uusap. Naaawa ako sa mga anak ko kasi tama ‘yung sabi ng DepEd, ‘yung mga estudyante baka magkaroon ng pPsychological pressure kasi biglaan ito pandemic na ito at sanay sila na lumabas papuntang school kunwari na freely. Ngayon parang nakakulong lang sila sa bahay because of safety reasons. Hoping lang talaga na matapos na lahat, ang pandemya.”
Kaya samahan si Anjo with KitKat and Janno para mapasaya rin ang ating tanghalian.
“Siguro ngayon na wala ng ABS-CBN na nakasanayan din ng tao, maganda na may mga bagong network like Net25 na nagpo-produce ng sitcoms at teleserye. And katulad nga ng ‘Happy Time’ na noontime show kasi alam naman natin ng nawala ang ABS na maraming artista at katrabaho ang nawalan ng hanapbuhay not to mention maraming nawalan din ng trabaho because of pandemic katulad ng gumagawa ng pelikula kaya masaya ako na may katulad ng Net25 na kahit pandemic ay gumagawa ng bagong shows para magkatrabaho ang mga artista at mga kasamahan sa industriya ng telebisyon na magkatrabaho.
“Variety, may games, may talent search, may mga tutulungan kami everyday kasi may segment ako na ipapangalan na ‘Ayuda One’ na makatutulong kami sa aming little way sa mga naapektuhan ng pandemic lalo na ‘yung mga nawalan ng trabaho. Example drivers na nawalan ng trabaho, mga OFW na hindi na nakabalik sa kanilang trabaho, mga mahihirap dati na lalong nahirapan dahil sa pandemic. Yes there will be singing and dancing but I think ‘pag special occasions lang kami sasayaw at kakanta katulad ng opening day.”
Abangan na!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo