Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elijah Alejo, thankful sa pagmamahal ng Elijahnatics

NAKATUTUWA ang pagmamahal at loyalty ng fans club na Elijahnatics sa kanilang idolo na si Elijah Alejo.

Si Elijah ay isang 15-year-old na Kapuso teen actress na napapanood sa teleseryeng Prima Donnas. Ito’y tinampukan nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, Miggs Cuaderno, at iba pa.

A couple of weeks ago ay nag-celebrate ng 9th anniversary ang Elijahnatics at dahil sa pandemic and bawal ang mass gathering, kaya nag-zoom na lang sila imbes mag-party. Dito’y naging very emotional at napaiyak si Elijah nang handugan siya ng isang tula ng kanyang fans.

Thru FB’s private messaging, inusisa namin si Elijah kung bakit siya napaiyak sa naturang pakikipag-zoom sa kanyang fans.

Tugon ng magandang young actress, “Na-touch po ako sa mga message po nila sa akin. Ipinaramdam po nila kasi sa akin kung gaano po nila ako kamahal at sinusuportahan.”

Ano ang message niya sa kanyang Elijahnatics na nine years nang walang sawang sumusuporta sa kanya.

Pahayag ni Elijah, “Gusto ko pong magpasalamat sa mga Elijahnatics sa suporta nila sa akin.

“Gusto ko rin magpasalamat, kasi ‘di po sila nabulag sa pagiging Brianna ko (character niya sa TV series na Prima Donnas). Na mas kinilala n’yo pa po ako bilang si Elijah Alejo na iniidolo n’yo po… at the same time po, kaibigan po ninyo.”

Dagdag pa niya, “Mahal na mahal ko po kayong lahat na mga Elijahnatics, salamat po sa inyong suporta and ingat kayo palagi! God bless you all and sana magkita- kita na ulit tayo soon.”

Ang Elijahnatics ay itinatag noong July 22, 2011. Kabilang sa officers nila sina Justine Mendoza (president), Junny Balagbis, Angela Zenarosa, Sheilalyn dela Cruz, Gabriel de Ocampo, at Jenn Navarro.

Ipinahayag ni Jenn kung bakit niya mahal at iniidolo si Elijah, “Bilang isa sa fans niya, sa nine years na pagsuporta namin sa kanya, ang nagustuhan ko sa kanya at hanggang ngayon na dalaga na siya, ang pagiging mabait niya at mapagmahal sa mga tao.

“Si Elijah din ay malambing, madasalin, mapagkumbaba, at higit sa lahat, kung anoman ang mayroon siya ngayon ay hindi niya ito ipinagyayabang,” deklara pa niya.

Incidentally, si Elijah ay isa sa bida sa pelikulang Magikland, starring Miggs Cuaderno. Ang naturang pelikula ay kabilang sa entry sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December. Ito’y mula sa Brightlight Leisure Productions, Inc./Gallaga Reyes Films at kabilang sa unang apat na pumasok sa festival base sa pag-submit ng script.

Bukod kina Miggs at Elijah, tampok sa Magikland sina Jun Urbano, Bibeth Orteza, Princess Rabarra, Joshua Eugenio, Hailey Mendez, Kenken Nuyad, at marami pang iba.

Ano ang role niya sa Magikland at ano ang naramdaman niya nang nalamang pumasok sila sa annual MMFF?

Sambit ni Elijah, “Ako po si Mara sa Magikland. Ako po ‘yung parang ate ng grupo.”

Aniya, “Masaya po and blessed dahil po ‘yung pagod and puyat po namin habang ginagawa ‘yung movie, ay worth it naman po.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …