MASAMA ang loob ni Presidential Spokesman Harry Roque sa maagang paglaya kahapon ni US serviceman Joseph Scott Pemberton, ang pumatay kay Filipino transgender Jennifer Laude noong 2014.
Si Roque ang dating private prosecutor sa kontrobersiyal na kaso ng pagpaslang ni Pemberton kay Laude na yumanig sa relasyon ng Filipinas sa Amerika.
“As former Private Prosecutor for the Laude family, I deplore the short period of imprisonment meted on Pemberton who killed a Filipino under the most gruesome manner,” ayon kay Roque.
Iniutos ni Judge Judge Roline Ginez-Abalde ng Olongapo Regional Trial Court ang paglaya ni Pemberton dahil nakompleto na niya ang 10 taong sentensiya base sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at nabayaran na rin niya ng milyones bilang danyos ang mga naulila ni Laude.
“Laude’s death personifies the death of Philippine sovereignty and the light penalty imposed on Pemberton proves that despite the President’s independent foreign policy, that Americans continue to have the status of conquering colonials in our country,” reaksiyon ni Roque sa desisyon ni Abalde. (ROSE NOVENARIO)