Saturday , January 11 2025

Coney Reyes, ipinasilip ang quarantine make-up look

HAPPY at proud na ibinahagi ng seasoned actress na si Coney Reyes ang kanyang quarantine make-up look simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso.

 

Ayon sa Love of my Life actress, ito ang unang beses na nakapaglagay siya ng make-up matapos ang ilang buwang pananatili sa bahay.

 

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, ipinasilip ni Coney ang kanyang naging look. Aniya, “First time in what – five months – since I last applied some makeup! Wala naman pinuntahan. I just did an anniversary video greet for our church friends overseas. My effort putting on makeup deserves a post amidst this pandemic. #marunongparinnamanpala #practicenaulimagmakeup #nomakeupartist #DIYmakeup #2020quarantine.”

 

Samantala, wala pang bagong balita kung kailan magbabalik-taping ang Love of my Life na parte si Coney ng cast bilang si Isabella Gonzales, isang mayamang biyuda. Maaari namang mapanood ang aired full episodes ng primetime series at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *