Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anti-fraud mechanisms ng PhilHealth mahina – Angara

MAHINA ang anti-fraud mechanisms ng PhilHealth kayat nagpapatuloy ang katiwalian.

 

Ito ang paniniwala ni Sen. Sonny Angara kaya’t aniya dapat ay gayahin ng PhilHealth ang GSIS at SSS na may sistema sa pag-validate ng status ng kanilang mga miyembro.

 

Sinabi ito ng senado dahil sa reklamo ng isang miyembro ng PhilHealth na nadiskubreng limang taon na siyang patay nang magpa-update ng kanyang membership sa ahensiya.

 

Dahil aniya hindi pa fully automated ang ginagamit na sistema ng PhilHealth kaya’t nagagawa ng ilang tiwali sa ahensiya na maniobrahin ang pondo.

 

Inirekomenda rin ng senador na kailangan din dagdagan ng Philhealth ang kanilang medical reviewers, anti-fraud officers, data scientists, data analytics personnel, at kung maaari ay kumuha rin ng mga artificial intelligence and big data experts.

 

Bukod dito, inirekomenda rin ni Angara ang pag-amyenda sa Universal Health Care Act para magkaroon ng mandatory audit sa paggamit ng pondo ng ahensiya gayondin para mabusisi ang kanilang financial report ng Congressional Oversight Committee, Senate Committee on Finance at House Committee on Appropriations.

 

Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ‘very good choice’ si dating NBI director Dante Gierran bilang bagong presidente ng PhilHealth.

 

Aniya, malinis ang service record ni Gierran at magagamit ang kanyang husay sa pag-iimbestiga at accounting para matuldukan ang mga anomalya sa PhilHealth. (CYNTHIA MARTIN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …