Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nick Vera Perez, NVP1.0: NVP 1s More! ang titulo ng next album

KASALUKUYANG nakatutok si Nick Vera Perez sa paggawa ng kanyang second album. Metikuloso si Nick pagdating sa bagay na ito, palibhasa’y malalim kasi talaga ang pagmamahal niya sa musika.

 

Inusisa namin ang binansagang Total International Entertainer ukol sa kanyang second album.

Tugon ni Nick, “It is called NVP1.0: NVP 1s More! (read as NVP once more).”

 

Aniya, “Naka-timeline ako sa processing ko kuya, 2021 ang labas nito, sometime Mid or Fall. Kasi ten songs ang inside nito and we cannot hurry it, kasi dapat sealed with professionalism ang buong album.”

Bakit ganito ang title ng album? “NVP1.0 means always leading. We may have rebooted or revamped the image but the NVP brand stands alone, strong and always on top of our game.

 

“Can’t release the full songs yet. So far four pa lang ang officially released and I’m currently studying six songs naman.”

 

Kapag ganyang may ginagawa siyang bagong album, sinabi ni Nick na laging excited ang kanyang pakiramdam. “Excited always, kasi the music are rare and not your typical jams. Everything new is always exciting. Lalo na if your followers are learning the songs too,” esplika pa niya.

 

Dagdag ni Nick, “I have a bucket list, I am on track of it. Five to seven albums total ang nasa bucketlist ko and I intend to fulfill my promise to myself and to my late father who was my number-one fan, aside from my fans now and families.”

 

Incidentally, nagsimula na ang audition ng The Singer 2020 at sa Sept. 5 & 6 ang last two days nito via KUMU. Ang papasok sa semi-finals ay kailangang kumanta ng isa sa songs ni Nick sa kanyang album. Sa Grand Finals ay isang kanta lang ang kanilang aawitin.

Sampu ang pipiliin para sa Semi-Finals at tatlo ang maglalaban-laban dito para sa Grand Finals. Ang tatanghaling The Singer 2020 Champion ay magwawagi ng 30K cash, 200Kumu coins, round trip ticket around the Philippines and GCs. Ang 1st runner-up ay 5K, at ang 2nd runner-up ay 2K.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …