Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivian Velez, palaban mula noon hanggang ngayon

MAYA’T MAYANG bullied ng kanyang bashers ang tinagurian sa kanyang panahon na Ms. Body Beautiful na si Vivian Velez.

Lalo pa at nakakiling siya sa panig ng Pangulo ng bansa.

Pero sa lahat naman ng pagkakataon, mababaw man o malalim, walang inaatrasan si double V lalo na at ang punto niya ang ipinaglalaban.

Sa kanyang Facebook account, bago siya nag-host ng watch party sa idinaos na Singing for the President ng ‘sangkaterbang artists mula sa industriya, may post si VV.

“I am a Bold Star!

 

“If you ever wonder why I speak up and ‘BOLD’ the way I do about politics, or embrace my body, or be unafraid to unlovable at times… 

 

“it’s because I have the urge to break down barriers. I am a ‘victim’ of blatant sexism, misogyny and constant bullying.

 

“Being a woman and a victim, I have learned that time does not heal all wounds but gives us the tools to endure them. I have found this to be true in the greatest and smallest of matters. Looking to the future, I am certain that the bullying will not cease, I will not lose heart. All the things I have experienced and remember will be within me, and the remorse I had felt so heavily will joyfully meld with all other  moments.

 

“I believe, I am made for these times. It’s my hope to still stay connected to people and work for compassion, love, and uplift. 

 

“Above all, be the heroine of your life, not the victim.”

Eh, kasi nga, para lang mabweltahan ito ng mga nais na ipahiya siya at pabagsakin, pilit na ikinakalat at inilalabas ang isang bahagi ng kahapon na kasama sa buhay niya. Ang may kinalaman sa Betamax.

Pero sa pagkakilala ng marami kay VV, palaban ito sa lahat ng bagay. Politika man ‘yan, karera o personal na buhay.

Basta ako, maaalala ko pa rin ang nasaksihan naming pagtalon niya mula sa pinakamataas na palapag ng gusali ng Legaspi Towers para sa pelikula niyang Ang Babae’ng Hinugot sa Aking Tadyang.

Eh, ganoon siya katapang. Tinapatan ang Hari ng Stunt na tumalon sa San Juanico Bridge na si Dante Varona!

Kung ganyan ang labanan, may kakasa kaya?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …