POSIBLENG maging blocktimer raw ang ABS-CBN, o kukuha sila ng humigit-kumulang dalawampung oras bawat araw sa ZOE TV.
Matagal na raw ang negoyasyong ito sa network na pag-aari ni Bro. Eddie para mapanood ang mga programa ng ABS-CBN sa free TV.
Ang sabi, hindi raw ganoon kalawak ang reach ng ZOE TV. Pagkaganoon, puwede kayang gamitin ng ABS-CBN ang kanilang dating transmitter?
Ang sabi, since sarili na ng GMA News TV ang estasyon nila, malaya na ang ZOE TV na makipag-blocktime arrangement sa mga taga-ABS-CBN.
If ever, aware naman siguro ang ABS-CBN sa mga patakaran ng ZOE TV na bawal ang mga patalastas ng alak at ‘yung mga panooring may pagka-daring dahil primarily, this is a religious network.
And if ever it’s true that most of the stars that former Congressman Albee Benitez is with are from ABS-CBN, maganda rin makitang nagtutulungan ang mga taga-Kapamilya at Kapatid networks if ever.
After all, we belong to one industry.
In effect, malabo na talagang maging blocktimer, co-producer o line producer ang mga Kapamilya sa TV5 o Cignal TV.
Sakaling pumasok ang ABS-CBN shows sa ZOE TV, magbubunyi ang mga Kapamilya.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.