Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tawid Pag-ibig ni Gary, nakabuo ng P1.2-M

NAKAG-RAISE ng P1,247,177.00 (and still counting) ang concert online ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano para naman sa Tawid Pag-Ibig project ng Kapamilya, sa Faith, Hope, Love.

Beyond ecstatic nga ang pakiramdam ni GV dahil wala pa man ang nasabing show, umabot na sa P300K ang pumasok na agad na donasyon sa kanilang panawagan.

“Ganoon ang puso ng Filipino. Kahit hindi nila kakilala, gagawin kung anuman ang kaya nilang ibigay to help out.”

Inamin ni GV sa isang panayam na nang una niyang gawin ang konsiyerto, hindi umayon ang pagkakataon sa kanya at sa bawat kanta niya eh, may mga sabit sa tech. Siya rin kasi, at dalawang pamangkin ang nag-aayos ng set-up nito.

“Pero sa 2nd show, everything was worth it. It was a learning experience with whatever is happening. That we can make a difference. Sabi nga ni Jose Mari Chan, music is the language of the soul. It speaks in ways that words cannot.”

At sa sarili niyang paraan, nagpapatuloy si GV na maging instrumento para sa mga taong ramdam ang sakit na dulot ng pandemyang ito. Higit lahat sa mga kapwa niya musikero.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …