May sasalihan na naman si Tokyo Olympics bound Ernest Obiena at naghihintay lang ito ng imbitasyon para sa Golden Spike sa Ostrava sa Setyembre.
Paniguradong babawi Pole Vaulter Obiena dahil sa nakaraan ay lumanding sa 5th place sa Janusz Kusocinski Memorial sa Poland.
Kinulang ang 5.62m na kanyang nalundag, lumanding sa 5th kaya wala itong nahablot na medalya.
Nagwagi sa nasabing tournament si Sam Kendricks ng USA sa itinalang 5.82m.
Naghahanda si 24-year-old Obiena Olympics na gaganapin sa Japan sa 2021 kaya patuloy itong sumasali sa mga tournament.
Bago ang fifth place ni 6-foot-2 Pinoy Olympian, nasikwat ni Obiena ang silver medal sa “Who’s the Finest Pole Vaulter?” virtual competition nitong buwan.
Suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman William “Butch” Ramirez si Obiena, ang unang Filipino na nakakuha ng slot sa nasabing quadrennial meet matapos maabot ang 5.80-meter qualifying standard noong nakaraang taon sa Chiara, Italy.
(ARABELA PRINCESS DAWA)