Wednesday , December 25 2024

Ms. Nilda Tuason ng CNHP, maraming bagong produkto kontra Covid-19

MARAMING bagong produkto ang CN Halimuyak Pilipinas base sa panayam namin sa CEO ng CNHP na si Ms. Nilda Tuason.

“May bagong products po kami na maaaring gamitin upang malabanan ang pagkalat ng CoVid-19 virus. Lahat po ng mga panlinis na dati nang ginagamit ay nilagyan namin ng disinfectant para maging doble ang effect, hindi lang panlinis ito, kundi pang-disinfect din upang siguradong mawala ang anumang virus – lalo na po ang CoVid-19. Sinikap naming ibaba ang presyo nito upang maabot ang budget ng karaniwang mangga­gawang Filipino. Ang mga ito po ay mabibili sa iba-ibang sizes na siguradong may sukat na sakto lang sa gamit nito,” saad ni Ms. Nilda.

Ayon sa kanya, ang bagong products ng CNHP ay ginawa para mas makatutulong talaga laban sa CoVid-19.

“Lahat po ng formulation natin ay para po ma-stop ang pagkalat ng CoVid-19 virus,” sambit niya.

Kumusta po ang demand ngayon sa alcohol?

Tugon niya, “Sa kasalukuyan medyo bumaba na po ang demand. Marahil ito’y dahil sa malawakang community quarantine at lockdown. Ang alcohol po ay mabisang gamitin kung wala pong available na tubig at sabon, ngunit karamihan sa mga tao ngayo’y nasa kanilang tahanan na ang tubig at sabon ay available naman.”

Nabanggit din ni Ms. Nilda na maganda ang feedback sa CN Halimuyak products. “Maganda naman po ang feedback sa dahilang naging abot kaya po ang presyo at may peace of mind ang mga gumagamit lalong-lalo na po ang mga manggagamot natin na lubhang naniniwala sa kalidad ng ating produkto at sila mismo ay nakagamit na nito noong panahong wala pang PPE at ang tanging proteksiyon nila ay limitado. Ngunit sa tulong ng ating alcohol, napanatili natin ang kanilang kaligtasan pati na po ang ating frontliners, di lamang sa mga ospital kung hindi sa ating mga checkpoints sa barangay.”

Paano maging reseller ng CNHP? “Sa kasalukuyan po nadagdagan ang gustong maging resellers at distributors thru online selling. Nag-partner din po ang CNHP with Food Panda, now Panda Mall to deliver our products. May courier services din po with Lalamove and Grab. May award notice na rin po ang CNHP sa SM Supermalls,” pahayag niya.

Matatandaang si Ms. Nilda ay namigay ng libreng alcohol sa mga doctor at frontliners nang walang mabiling alcohol noon. Mas inuna niya ang kapakanan ng mga taong nanganga­ilangan, imbes ang pagiging negosyante.

Hindi na raw niya naisip na baka malugi ang kayang business. “Hindi ko na naisip ‘yon, sir. Ang iniisip ko lang, baka maraming mamatay na doctor, paano na tayo? Mas maganda ang maraming mabuhay, kalimutan muna ang pera at ang pansarili. Kapwa po natin ang mas mahalaga,” aniya pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *