Wednesday , December 25 2024

Chad Borja, tuloy-tuloy ang fund-raising project

MAHIYAIN siyang tao. Kaya nga, hindi niya inakala na makakapag-mount siya at ang itinatag niyang team ng fund-raising project para sa mga kasamahang musikero na nawalan ng hanapbuhay. Ang sinasabing na-displace na mga musikero ay ‘yung nasa parte ng Cebu at Davao.

Kilala na at nirerespetong alagad ng sining si Chad Borja. At gaya ng kapwa niya mang-aawit na si Joey Albert, ramdam nila ang hinaing ng nga kasamahan sa industriya.

Kasama ang maybahay ni Chad na si Emy at si Joey, nabuo ang Sing Out by the South Feed the Music (A Collective Effort by Musicians for Musicians) ng kanilang State of Mind Productions, Inc.

Nagsimula ito noong Hunyo. At gabi-gabing napapanood online ang sari-saring musikero, hindi lang mula sa Bisaya at Mindanao, kundi pati na ang mga sikat nating mainstream artists gaya ng concert king na si Martin Nievera, Ms. Dulce, sina Nonoy Zuñiga, Marco Sison, Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Malu Barry, Queenie Smith, Jo Awayan, Arnel Pineda, the list just goes on!

At sa isang gabi, (nasa ika-54 na ito) na sumalang muli si Chad, kasama ang anak na si Aby gayundin sina Jenine Desiderio at Ms. Dulce, hindi napigilan ng lahat na nagbahagi rin ng kanilang mga damdamin ang maiyak. Sa mga tulong na ipinagpapasalamat hanggang langit ng mga musikerong nabahaginan na nila ng ayuda mula sa nakakalap na donasyon.

“Hindi malakas ang loob ko na magsabi sa mga kapwa ko artists na maging parte ng proyekto kasi nga nahihiya ako magsabi. Pero salamat kina Joey, kay Ms. Dulce, at sa musical director na si Butch Miraflor dahil sila ang malaking tulay para makasama ang marami pa nating kasamahan na maging bahagi ng palabas gabi-gabi.”

Ang nagtatahi ng palabas o programa gabi-gabi ay isa ring musikero na nananahan ngayon sa Davao, si Albert Padilla.  Na may sarili niya ring banda, ang Naughty Notes. Pero dahil sa dumating na pandemya, sa araw ay sige lang sa pagba-barbecue at pagtititida at sa gabi, siya ang host na naghahatid ng ibayong saya, nagpapatawa, nagpapaiyak sa sarili niyang paraan para sa mga musikero ng bayan.

Habang lumalapit na ang final night o show nila sa September 12, 2020, hindi pa man nila nami-meet ang target amount para maibahagi sa lahat ng nangangailangan, umaasa ang grupo nina Chad kasama sina Doc Jake Valeroso, owner of a radio and TVstation in Butuan, his partner in Studio 1, na marami pa nating mga kababayan ang makakalampag at makakatok ang mga puso para sa goal nila sa itutulong sa mga musikero-piyanista, gitarista, miyembro ng banda at mang-aawit.

Napakalaki ng pasasalamat ni Chad, na hindi naman nahiyang maiyak sa isang episode dahil alam mong gustong-gusto niyang mabigyan ng mas malaki pang tulong ang mga kasamahang musikero.

Subaybayan pa rin sila gabi-gabi at tulungan ang ating mga musikero!

Please donate.

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *