Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PhilHealth panahon na para sa ‘total cleansing’

PAGKATAPOS pumutok ang sandamakmak na iregularidad at anomalya sa Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth), inilabas ng Senate Blue Ribbon committee ang kanilang ulat kaugnay ng kuwestiyonableng multi-bilyong pisong barangay health center program sa panahon ng panunungkulan ng ngayon ay Congresswoman Janette Garin, at dating Department of Health (DOH) secretary, na iniuugnay sa 2016 presidential election.  

Ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon committee, ang korupsiyon sa PhilHealth ay hindi lamang nagaganap sa itaas kundi maging sa maraming regional vice presidents na animo’y ‘mga hari’ sa kanilang teritoryo, habang nakaupo sa kanilang mga puwesto sa loob ng 20 taon.

        Sila raw ‘yung mga regional vice presidents na kung umasta’y mas makapangyarihan pa sa senior vice presidents sa central office.

Gaya ng programang 3,000 barangay health centers na ipatatayo ngunit kaunti pa sa 300 health centers ang naipagawa upang palabasin lang umano na mayroon silang ginagawa.

Hindi rin siyempre malilimutan ang isyu ng kontrobersiyal na pagbili ng French-made Dengvaxia vaccine noong 2015.

Kasama rin si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad sa pagpopondo ng kuwestiyonableng konstruksiyon ng barangay health center projects.       

At bukod kina Garin at Abad, damay din si dating PhilHealth Chief Alexander Padilla na isinasangkot sa P10.6 bilyong premiums mula sa senior citizens para sa konstruksiyon ng DOH projects.     

        Iminumungkahi rin ni Senator Gordon na dapat magpaliwanag si Health Secretary Francisco Duque sa Ombudsman kung bakit umupa ang PhilHealth sa Duque family-owned property.      

        At kung bakit ang Duque family-owned pharmaceutical firm ay mayroong kontrata na mag-supply ng medisina sa DOH.            

        Bukod pa rin ang mga iregular at overpriced na pagbabayad sa mga sakit na pneumonia, diabetes, caesarian operations, at iba pang karamdaman.       

        Mayroon nga raw na sinipon lang, binayaran na ng PhilHealth para sa sakit na pneumonia.

        Tsk tsk tsk…

        Isa ang inyong lingkod sa idinemanda ng isang ospital dahil sa isyung kaugnay ng iregular na pagbabayad ng PhilHealth sa private hospitals sa malalayong probinsiya para sa mga sakit na ‘padded’

ang bills ng pasyente.

        Noon pa man ay isa na ang inyong lingkod sa mga nakapupuna kung bakit biglang nawala ang reimbursements nila sa mga pasyente. Niliitan na lang kuno ang share ng pasyente sa hospital bill pero nakapagtataka kung bakit nawala na ang reimbursements?!

        Sa taya nga ni Senator Gordon halos 20 percent daw ng graft money mula sa overpayments ang naibubulsa ng ‘sindikato’ sa loob ng PhilHealth.

        At batay sa kanilang imbestigasyon, inirerekomenda ng Senate Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Gordon ang mga sumusunod:      

  1. Pagpapasa ng batas para sa reorganisasyon ng PhilHealth at agarang pagtatanggal sa regional vice presidents o ilipat sila upang mapigilan ang sabwatan o pamamayagpag ng ‘sindikato’ sa loob;
  2. Lumikha ng Philippine Statistics Authority (PSA) ng online modality and verification system;
  3. Magtatag ng monitoring group;
  4. Magbuo ng Anti-Fraud Detection unit sa National Bureau of Investigation (NBI), na nakapadron sa Federal Bureau of Investigation (VBI) unit;
  5. Kailangang mayroong one doctor, one record, one patient alinsunod sa Data Privacy Act;
  6. Masusing imbestigasyon sa mga contractor; at
  7. Lumikha ng isang sistema para sa independent insurance adjusters.

        But wait, there’s more!

        Ano na nga pala ang nangyari sa pondo ng PhilHealth intended for rebel returnees? Rebels like, New People’s Army (NPA), MNLF, RAM, MILF at iba pang secessionist movements?

        May audit ba rito ang PhilHealth at ang Commission on Audit (COA)?

        Mukhang mayroon pang sasabog na Pandora’s box sa PhilHealth!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *