Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Simbahan sa Minalabac, ipagagawa ni Joed Serrano

MAHIRAP talagang ibaba ang isang matinong tao. At ito naman ang nakikita ng mga kaibigan at kakilala niya sa matagumpay na dating aktor at producer na si Joed Serrano.

Kamakailan, pinag-usapan ito sa social media dahil sa pagpapahayag niya ng paghanga sa isang baguhang artista.

Minasama ng iba ang move ni Joed sa pagpapahayag niya ng damdamin. Hindi naman ito ininda ni Joed, pero hindi naman niya itinangging nasaktan siya sa sobrang malisyoso ng mga pinagsasabi ng tao sa kanya.

Kaya, kahit pa masakit sa loob, tinantanan na muna niya ‘yun at ibinaling na lang muli sa pagpapatuloy ng pagtulong sa kapwa ang kanyang mga araw. At binalikan ang makabuluhang mga bagay na mas dapat niyang hinaharap. Lalo na para sa Maykapal!

“Sept of last year ng tuluyan nko maging born again christian. 

“Aug 3 of last yr wen i went to Texas just to meet in person The Joel Osteen. Nalungkot ako noon nung nakabuntis partner ko na nkasama ko for 8 yrs c nathan o dud ko. 

“Straight kasi minahal at kinasama ko for 8 yrs na taga camsur. Kinaya ko ang lahat kahit masakit coz kay Lord ako kumapit. 

“Born again christian din yung girl na nabuntis ni dud ko na taga minalabac pili camsur. Nanganak na last june 25. Mag two 2 months na baby today. Tinanggap ko ang nangyari coz BETHLEHEM yun ang tama ang magkapamilya si dud ko. 

“Isinama nla ako sa church nila na kung saan naconvert na din c dud ko maging born again. Nung unang punta sa simbahan ay namangha ako kasi dadaan ka pa sa bukid at mapuputikan mga paa mo at need mo maghugas ng paa sa poso bgo mka pasok sa simple at di pa tapos na simbahan. 

“Pero na amazed ako kasi d naging hadlang yun para pumunta makinig at sumamba ng mga tao sa Diyos. Bigla ko naisip how i wish na sana madala ko lahat cla sa mga service churches natin tulad ng ccf  cop, victory st maexperience nla ang ganda ng mga lugar natin

“While pandemic, inayos ko bahay ng mga kpatid ko binigyan ko ng house & lot staff ko. Ginawa kong maayos at maganda mga kwarto ko. 

“Kumuha ako ng vacation house sa baguio. During ito ng lockdown at pandemic. Blessings na d ko akalaing dadapo sakin while pandemic till 1 day pagkagising ko at habang akoy nagdadasal bigla may bumulong sakin at nagsabing “kailan mo nman aayusin ang bahay ko?”

“’Yun na at nangako akong aayusin ang bahay ng Diyos sa minalabac na nsa video kuha ko nung linggo at knina. Naguilty nga ako ksi inuna ko pa kalandian at kahibangan ko kay kokoy. But now Im here fulfilling my promise ”

Ang gandang realization. Inspiring!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …