Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex Castro, thankful kay Ms. Rhea Tan sa pagtulong ng BeauteDerm

SA kabila ng nangyayaring pandemic dulot ng Covid19, patuloy ang actor/public servant na si Alex Castro sa pagseserbisyo sa kanyang constituents sa 4th District ng Bulacan, na isa siyang Board Member.

Kamakailan ay nabasa ko sa kanyang FB ang pamamahagi niya ng facemask sa kanyang distrito sa Marilao, Meycauayan, Sta. Maria, at sa may Del Monte.

“Iyong face mask po ay ipinagawa natin at yung iba, na-donate po sa atin. Ibinigay ko po sa mga TODA, kasi sila po yung nasa lansangan, so para rin po proteksiyon sa kanila. Sa TODA ko lang po siya talaga specific na ibinigay, pero kapag habang namimigay, may nanghihingi, inaabutan ko na rin po,” kuwento ni Alex.

Nauna rito ang kanyang suweldo bilang BM ay inilaan na niya sa pagtulong sa mga kababayang Bulakenyo mula nang nagkaroon ng pandemic.

Wika ni Bokal Alex, “Ganito kasi yung naging sitwasyon, nang nagsimula yung ECQ, nakita natin talaga na marami tayong kababayan na nahihirapan, kaya ako, kinausap ko nga si Sunshine, yung wife ko, ‘Na kahit paano, mabubuhay pa tayo ng kahit ilang buwan, may naipon naman tayo na yung suweldo ko simula ECQ ipamili na lang natin ng mga groceries, bigas, para sa mga tao. Kahit papaano hindi naman ganoon kalaki yung ano natin…’

“Maraming tao po kasi yung naapektuhan, kaya kahit paano, in my own small way ay makatulong. Pumunta ako sa bilihan ng bigas, pumunta ako mismo ng personal kuya, pumunta ako ng Benguet, bumili ako ng mga gulay. Buti mayroon tayong kaibigan na nagpahiram ng bus, para sa mga gulay.”

Si Alex ay nag-author din ng mga ordinansa para sa pandemic na ito. “Gumawa rin tayo ng ordinances, katulad ng sa face mask, sa social distancing… Para po magkaroon ng ngipin yung ordinansa. Kasi po kapag executive order lang, wala pong parusa. Kaya po kapag may sariling ordinansa, mapipilitan, kahit paano po ay sumusunod ang mga tao. So yun po, mga preventive measures.

“Then, mayroon po tayong resolution para sa mga frontliner’s, gumawa po ako ng resolution na nagdedeklara every March na Frontliner’s Month sa Bulacan. Ito po ang kauna-unahan sa Filipinas.”

Simula ngayong araw, mamimigay naman si Bokal Alex ng mga bisikleta sa mga frontliner’s nila. Aniya, “Kuya, bukas po magbibigay po tayo ng mga bisikleta sa frontliner’s dito sa Bulacan dahil po kahit GCQ na ang Bulacan, hirap pa rin po ang mga tao sa transportation. Kaya kahit paano ay makakatulong po sa kanila ang ibibigay po nating bisikleta, para magamit nila sa kanilang pagpasok sa trabaho.”
Kamusta ang kaso ng Covid19 sa kanilang distrito? “Ang kaso po ng Covid19 sa district ko, medyo mataas, dahil po, for example, ang San Jose, Del Monte po ang pinakamarami sa Bulacan, sa Marilao, pangatlo. Puro po sa side ng District 4, dahil po yung distrito ko, yun po yung pinakamalapit sa Manila. So, karamihan nagtatrabaho sa Maynila, simula po noong nag-GCQ, noong lumuwag na, nagpasukan sa trabaho, yun po yung implication. Pumasok sa trabaho, nahawa sa mga katrabaho, umuuwi sa bahay. Ayun po, ganoon kadalasan po… Kasi po ang Bulacan ay gateway po iyan ng Manila. Tulad sa San Jose, Del Monte na kapitbahay lang ang Caloocan.

“Ang ginawa po namin, ang Bulacan po ay nagkaroon na ng sariling molecular testing center, para ‘di na po namin kailangan makipag-agawan sa ibang hospital. Within two months, three months, naitayo po ito para po magkaroon nang maayos na testing, sariling testing facility ang Bulacan. And yung mga quarantine facilities, talaga pong ine-enforce namin na bawat bayan ay magkaroon ng quarantine facilities, para hindi kumalat yung virus,” esplika pa ng guwapitong actor/public servant.

Samantala, nagpapasalamat si Alex sa lahat ng mga tumutulong sa kanya para sa mga kababayan sa Bulacan. Kabilang na rito ang very generous at supportive na CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

“Napakalaki ng naitulong ng Beutederm sa pangunguna ng aming CEO Ate Rei, sa mga kababayan kong Bulekenyo-magmula sa mga alcohols, hygiene kits, PPE, at marami pang iba, na idinonate sa atin upang maibahagi sa mga kababayan natin.”
Nabanggit pa ni Alex na sobrang nami-miss niya ang kanyang Beutederm family na isa siya sa endorser. “Sobrang miss na miss ko ang Beutederm family! Yung bonding time, tawanan, biruan, tapos ‘yung mall shows, nakaka-miss po talaga. Kasi, pamilya na po talaga ang Beutederm… Napakabait po kasi ng CEO namin-si Mam Rei, hindi po niya kami pinabayaan kahit pandemic. Hindi siya nakakalimot, may ayuda rin kami, hahaha! May mga groceries… ang sarap po talaga ng pakiramdam,” masayang pakli pa ni Alex.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …