Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessica Soho, tinuruan ni Alden Richards na mag-ML

NAKAAALIW talaga si Jessica Soho dahil game na game siyang subukan ang current trends sa show niyang Kapuso Mo, Jessica Soho.

 

Nitong Linggo nga, ang kinababaliwang laro ng karamihan na Mobile Legends (ML) ang sinubukan ni Jessica. At ang nagturo sa kanya? Si Alden Richards lang naman. Bago sila nagsimula, nagbiro pa ang Kapuso actor, “Baka ‘pag tinuruan ko kayo, hindi na kayo mag- anchor!”

 

Aminado ang award-winning news personality na wala talaga siyang alam sa ML at ang huli niyang nilaro ay Pacman at Tetris. Pero kahit “newbie”, nanalo pa rin ang team ni Jessica sa practice game ni Alden. Nakatutuwa lang na mapanood ang dalawang sikat na Kapuso personality na nag-eenjoy sa paglalaro.

 

Dahil na rin sa pandemya, nagkaroon si Alden ng anxiety, lalo na’t ang kapatid niya ay isang frontliner sa ibang bansa. Bukod sa pagdarasal palagi, nakatulong ang paglalaro niya ng Mobile Legends upang labanan ang anxiety. May payo rin si Alden sa mga tulad niyang gamer lalo na ang mga kabataan: “Lahat ng sobra nakasasama. ‘Pag masyado tayong kinain ng paglalaro’t pagiging gamer, nakakalimutan na rin natin mabuhay.” Kaya nga dapat daw ay unahin muna ang pag-aaral.

 

Patuloy ang makulay na career ni Alden. Bukod sa regular siyang napapanood sa All-Out Sundays at Eat Bulaga, tuloy-tuloy din ang kanyang endorsements. Siyempre, wish pa rin ng fans na magkaroon ng new projects si Alden this year.

 

May chance kayang mapanood muli si Alden sa isang public affairs show? Ilang projects na rin kasi ang nagawa ni Alden under GMA News and Public Affairs.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …