Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tuesday Vargas naluha, ‘di kailangan ng marangyang bagay

PANDEMYA. Mga buhay na nag-iiba.

May mahihiling pa ba?

Para sa singer, komedyana, at aktres na si Tuesdy Vargas, ito ang masasabi niya.

“Alam mo ‘yung nakakaluha sa tuwa na moment?

“’Yung ma-realize mong wala ka palang marangyang bagay na kailangan. ‘Yung lahat ng nararapat ay nasa iyo na pala. 

“Nagpaso po ako ng napakaraming halaman kanina. Nagbalot, nag-tag, nag-deliver. 

“Pagod na pagod ako.

“Tapos lahat ng kinita ko ipinambili ko ng pagkain ng mga pusa at ang anak ko binilhan ko ng cereal kasi simple lang din kaligayahan n’ya. Nagbayad ako ng bills, bumili ng 3 canvas, nagpa-photocopy ng mga document ko para sa negosyo. May sukli pa akong natira para maka- merienda kami ng jollibee.

“Noong tahimik na lahat sa baba naiyak ako.

“Ang bait ng langit. Hindi kami nagugutom, malakas ako enough para magtrabaho, masaya kaming mag-anak sa bahay. Wala akong ibang kailangan kung hindi ito lamang. Payak na buhay at lahat ng obligasyon nababayaran. 

“Universe promise gagalingan ko pa. Huwag kang magsasawa. Buhusan mo kami ng biyaya. 

“Magpipinta ako araw-araw makabenta lang. Wala akong pake kung puro lupa ang paa at kamay ko kakahalaman. Basta po bigyan n’yo kami ng clients na mababait at ng lakas parati para maibigay ang gusto nila. ‘Paghuhusayan ko para sa pamilya ko. Kahit mahirap minsan at para bang hindi natatapos ang hamon, lalaban ako. Ngitian mo lang kami ng pagpapala parati. 

“Amen.”

Mukhang miyembro na rin ng mga Plantitas at Plantitos si Tuesday.

Sabi ng Bureau of Plant Industries sa balita, namimigay sila ng mga libreng halaman para sa mga mahihilig mag-alaga nito. Pero not for re-selling ‘yan, ha? Makipag-usap na kayo sa kanila.

At sana nga, matupad at masagot ang hiling ni Tuesday sa Maykapal!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …