Monday , December 23 2024

Titser, pinapatay sa gutom ng gobyerno — ACT Private Schools

NAKALUGMOK na sa hirap at gutom ang daan-daang libong mga guro sa mga pribadong paraalan dahil sa limang buwang nararanasang CoVid-19 pandemic ay wala silang natatanggap na ayuda ni isang kusing mula sa gobyerno.

Hinagpis ito ng Alliance of Concerned Teachers – Private Schools sa kalatas kahapon nang mabatid na P300 milyon lamang ang ipinanukala ng Kongreso na ilaan sa sektor ng edukasyon sa panukalang Bayanihan to Recover as One (BARO) Act of 2020 o “Bayanihan II.”

Nabatid humirit ang grupo sa Kongreso sa para sa isang “dignified financial aid”sa isang petition paper noong 13 Agosto 2020 para sa mga guro at personnel na lubhang apektado ng pandemya sanhi ng talamak na eskemang “No Work No Pay.”

Humiling rin ang ACT Private Schools ng subsidiya para sa private education institutions upang maiwasan ang ibayong tanggalan – lalo sa maliliit na paaralan.

Kasama anila ito sa P24-bilyong financial aid na nakapaloob sa Bayanihan II ngunit laking gulat nila na sa bersiyon ng Kamara ay ipinanukala ang paglalaan ng P300-M na paghahatian ng lahat ng apektadong teaching at non-teaching personnel sa private at public schools sa basic (elementary and secondary) at tertiary education levels.

Lalabas na kapag nagpasya ang gobyerno na magbigay ng one-time cash assistance ng P5,000 hanggang P8,000 mula sa panukalang budget ay 37,500 hanggang 60,000 personnel lamang ang makikinabang.

“This allocation is deemed beyond inadequate, as it is not capable of providing an inclusive and effective financial support program even on the current figures of damage to the sector,” ayon kay ACT Private Schools Secretary General Jonathan Geronimo.

Giit ni Geronimo, sa limang buwang kuwaran­tena, sanhi ng gutom bunsod ng kawalan ng ayuda mula sa gobyerno, karamihan sa mga guro ay napipilitan pumasok sa hanapbuhay na naka­lantad sa panganib na mahawaan ng COVID-19.

“With all these unnecessary com­promises, they are only left but a pittance which can’t barely support their necessities,” aniya.

Base sa mga ulat, may 407,757 guro at staff ang naapektohan sa unang buwan pa lamang nang ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).

Nagbunga aniya ng malawakang tanggalan ng mga guro ang mababang enrollment sa mga pribadong paaralan.

“In fact, there are 119,819 private school teachers from 17 regions suffered from retrenchment last June [and] these numbers are expected to exacerbate in the following months, as uncertainties of economic slump grows further,” ani Geronimo.

Muling nanawagan ang grupo sa pama­halaan na pagkalooban ng anim na buwang ayuda ang apektadong private school personnel na P10,000 at isang four-month wage subsidy program para sa private education institutions na P15,554 o kalahati ng nationwide family living wage (P31,089) na idineklara ng IBON Foundation.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *