NGAYONG panahon ng pandemic ay mas nagagamit ni Sheree ang kanyang mga itinatagong talento. Aminado ang sexy actress na mas naghahasa pa siya ng kanyang iba pang kaalaman dahil naniniwala siyang darating ang pagkakataon na magagamit niya ito.
Pahayag ni Sheree, “Simula po noong lockdown, inilaan ko ang free time ko to learn new things and i-develop pa ‘yung talents and skills ko. Dahil alam kong one day, magagamit ko rin lahat ang mga natutunan ko nitong quarantine.”
Kabilang sa tinutukoy ng multi-talented na aktres ang kanyang pagiging singer, songwriter, DJ, at pole dancer. “Yes po singing, writing songs, arranging music, pole dancing. ‘Di ba ang dami kong magagawa? Maaga ako gumigising at late ako matulog, Hindi naman super late, but at least eight hours sleep.
“Mayroon po kaming ginawang song ng kapatid kong nurse sa US, may studio rin po siya sa US, kaya ‘pag nandoon ako ay ‘yun ang bonding namin, nagsusulat kami ng songs. May nagawa kami nitong pandemic na ilalabas namin soon, also with my friends na si RJ and John Apura. Nag-aaral din ako ng music production sa favorite kong producer, kay Marcus Davis,” wika pa ni Sheree.
Sa panahon ng CoVid-19, mas nagagamit ngayon ng aktres ang kanyang paging painter. Second career na ba niya ito, after showbiz?
Sagot niya, “Yes po, matagal ko na po kinareer ito, ngayon lang lumabas. Nakapag-exhibit na po ako sa iba-ibang bansa.”
“Mga ten na, here and sa ibang bansa po. Iyong sa abroad solo and ‘yung dito, kasama mga ibang artist and mentor ko from UP na sobrang galing talaga, si Art dela Cruz,” saad ng dating member ng Viva Hot Babe nang usisain namin kung naka-ilang exhibit na siya.
Ano ang satisfaction na nakukuha niya sa pagpe-paint?
Esplika niya, “Nakakawala siya ng stress and nakaka-produce ng happy hormones, plus nae-express ko ‘yung self ko through colors, nakakapagkuwento ako with my art, e.
“It’s something na artist ang nagkukuwento, tapos icha-channel ko sa tao. Parang ‘yung paggawa ng kanta rin po.”
Ipinahayag pa ng aktres kung paano siya nagsimulang mahilig sa art.
“Ever since I was a little girl, hobby ko na ang sketching. I would copy photos of Disney characters in particular. I decided to take it seriously and professionally when I saw the video of Bob Ross, it inspired me a lot.
“At that point in my life I was searching for something else, apart from my career in acting. I remember that one particular night sitting at my friend’s house Dennis Trillo with my ex, Gian Magdangal, what caught my attention was when he said, ‘In painting, we don’t make mistakes, just happy little accidents.’ ‘Talent is a pursued interest. Anything that you’re willing to practice, you can do.’
“I strongly believe in those saying, that is actually my motto in life. I was able to relate to those lines. The next day I went to the art store, found myself a mentor —- Art dela Cruz with the help of Gian’s mom, Tita Enri… and the rest is history. I started doing exhibits here and abroad,” mahabang kuwento ni Sheree.
Pero, ano ba ang pinaka-love niyang ginagawa sa lahat?
Aniya, “Lahat po, basta art… parang ‘yung heart ko talaga nasa entertainment and art and ‘pag ginagawa ko sila, inilalagay ko talaga ang buong puso ko.
“Kung lalagyan ng rating, parang pareho po lahat, love ko lahat ‘yun. Sabi nga ni JLo sa interview niya —-tinatanong siya bakit ang dami niyang ginagawa, sobra akong naka-relate sa sagot niya. So, why not kung kaya mong gawin lahat, ‘di ba? It’s a matter of time management lang at kaya ko naman silang gawin lahat.
“Naniniwala ako na lahat ng bagay ay natutunan, basta you put your heart and mind into it,” nakangiting esplika pa ni Sheree.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio