SOSYAL na kung sosyal.
Pero, hindi pinapansin ng misis ng Pambasang Kamaong Manny Pacquiao, na si Jinkee ang mga basher niya na patuloy na tumutuligsa sa pagbabahagi niya ng marangyang buhay nila rito sa siyudad o kaya eh, sa Gensan.
Kasi nga, bukod sa ang pamila nila ang inaasikasong mabuti ni Jinkee sa panahon ng pandemya, sige rin sila ni Pacman sa pagbuhos ng tulong sa mga nangangailangan.
Kaya ang rule ng karma, ang kabutihang ibinabahagi mo ay bumabalik sa iyo ng puspos, liglig, umaapaw.
Sabi ni Jinkee sa kanyang social media account, ”Two years ago, having my own makeup line was just a dream and a vision. I knew it would take courage and passion to make it happen, and i was prepared to put my heart and soul into it.
“Today, two years after, that vision has finally become a reality. My newest venture, Jinkee Cosmetics, is finally born. Like a rose in full bloom, now my passion for beauty also yours.”
At nag-quote siya mula sa Biblia nito, ”Proverbs 16:3—Commit to the LORD whatever you do, and your plans will succeed.”
Dagdag pa niya, ”Jinkee Cosmetics was developed through comprehensive research to suit women’s everyday cosmetic essentials for an authentic taste of beauty. We strive to bring out the best in you!”
O, ‘di ba? Sa panahon ng pandemya, pagtulong sa kapwa ang patuloy nilang pinagbubuti ng kanyang esposo.
Sila ang biniyayaan. Sa kanilang mga pinaghirapan. Ibinabahagi. Bakit naman kailangan pang siraan?
Para sa mga taong naa-appreciate the good things in life, wala silang nakikitang anumang pagyayabang o paghahambog ng mag-asawa lalo na ni Jinkee sa buhay na patuloy nilang ipinagpapasalamat sa Panginoon.
Wala pa ang ginagawa na rin ng kanilang mga anak sa kanya-kanyang karera ng sinisimulan. Sa pagkanta. Sa pag-rap. Sa pag-arte.
Pamilya ordinaryo pa rin sila. Mas lamang nga lang sila sa ilang mga bagay na tulad ng karangyaan na una ng ipinagkaloob sa kanila.
Kaya, magpatuloy pa rin tayo sa pagsisikhay sa buhay. Sa sandaling mawala na ang kalaban!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo