Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PINASINAYAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” ang 100 bagong vending stall sa Ilaya St., sa Divisoria, sakop ng Binondo, sa Maynila. (BONG SON)

Isko nagbabala vs pulis kotong

SERYOSONG nagbabala si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng miyembro ng Manila Police District (MPD) na magta­tang­kang mangotong sa mga vendor sa pamamagitan ng kapalit na pabor para makapagtinda sa mga ipinagbabawal na lugar.

May paglalagyan aniya ang mga pulis na magtatangkang mango­tong ayon kay Mayor Isko.

Sa Facebook live broadcast ni Moreno, winarningan niya ang isang alyas Bekbel na sinabing nasa likod ng operasyon ng illegal vendors.

Ang mga samahan ng mga ilegal na vendor ay matagal nang inirere­klamong obstruction sa kalsada.

“Baka akala ninyo pandemya, ‘pag nakatalikod ang gobyerno sige kayo. Kayo mga Eddie ha, meron pa ‘kong naririnig diyan ‘Bekbek,’ sige. Pasensiyahan tayo… sinabi ko na sa inyo, sa mga pulis na malalaman ko na patong sa vendor o sa obstruction, dito ko kayo ipakikilala sa live broadcast,” babala ni Yorme.

“Uulitin ko, magtino kayo. Ang dami nang problema. Ako, naniniwala ‘di ‘yan mag-e-exist… alam mo nang bawal, me obstruction, wala kang ginawa? Isang bagay lang ‘yan. Nasa mabuting ‘cash-unduan’ ‘yan at ‘ma-boteng’ usapan. Wala tayong tolonggesan,” pahayag ng alkalde.

Ang galit na babala ni Mayor Isko ay kanyang isinapubliko sa kanyang Facebook live broadcast makaraang linisin ng Department of Public Service (DPS) na pinamumunuan ni Kenneth Amurao ang illegal vendors sa Juna Luna St., isang lugar na estriktong ipinagbabawal ang pagtitinda.

Nabatid, hindi negotiable ang kalsada ng  Juan Luna, Soler, buong Recto Binondo side, Carriedo, Paz, A. Linao, Pedro Gil, at Taft Avenue at hindi maaring pagtindahan ng street vendors.

“Di po tayo titigil kahit pailan-ilan, kukunin natin ‘yan (obstruction) dahil sa pag-abuso ng mga may tindahan. Pagpasensiyahan n’yo na, wala tayong magagawa.  Akala n’yo abala kami sa paghuli ng mga kriminal at sa CoVid ha? Ang kaayusan sa Maynila kailangan ay certain…tuloy-tuloy ang polisiya,” dagdag ni Mayor Isko.

Matatandaan, pus­pu­sang nilinis ni Isko ang Divisoria nang mag-umpisa siyang manung­kulan bilang alkadle katuwang si dating MPD Director P/BGen. Vicente Danao na ngayn ay ipinagpapatuloy ni Director P/BGen. Rolando Miranda.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …