Friday , December 27 2024
pnp police

Who will be the next CPNP?

USAP-USAPAN ngayon sa loob at labas ng Camp Crame kung sino ang papalit kay outgoing Philippine National Police (PNP) Chief Francisco “Archie” Gamboa sa nalalapit nitong pagreretiro sa unang linggo ng Setyembre.

Kasado na raw at malinaw pa sa sikat ng araw na si P/Lt. General Guillermo Eleazar na ang napipintong bagong chief PNP ng ating bansa dahil may konek na rin daw sa Malacañang particular kay Senator Bong Go.

Tiyak na raw ang laban dahil may ‘edge’ ngayong panahon ng pandemya si Guilor dahil siya ang namumuno sa Joint Task Force COVID Shield.

Ang Joint Task Force COVID Shield ang ‘nag-uutos’ at sumusubaybay sa implementasyon ng health protocols guidelines na tulad ng barrier at community quarantine checkpoints na ipinatutupad naman ng mga Regional Directors (RD) na tulad nina NCRPO RD P/Maj. Debold Sinas at PRO-4A RD P/BGen. Vic Danao at kanilang mga nasasakupang pulisya.

Lamang rin daw si P/Lt. Gen. Guilor dahil napagdaanan niya ang paghawak sa PNP Finance Division noong panahon ni retired Gen. Allan Purisima.

Aba kumbaga sa politiko e kompleto ang makinarya talaga!?

Si Lt. Gen. Eleazar rin ay namuno sa Metro Chief noong siya ay NCRPO RD nang ipuwesto ni ex-C/PNP General Oscar Albayalde na naintriga bilang ninja cop protector at talaga namang araw-araw na naging laman ng balita. Ilang lespu rin ang napinahan at may nasubunutan pa!

Wahahaha!

Ayon sa ating insider, alam daw mismo ng kampo ni Eleazar na 99.9 porsiyentong makukuha ni Guilor ang pinakamataas na posisyon sa PNP dahil done deal na daw talaga. May pag-uusap na raw sa pagitan ni Sen. Bong Go at nakikipag-usap na rin kay Sen. Bato para makuha ang endoso ng Davao Group nang sa gayon ay aprobahan na ng Pangulo.

Wala pa man, e matunog na at may umiikot nang impormasyon na si Gen. Eleazar ang siyang susunod sa puwesto ni Gamboa, talagang hands-on at heads-up para masungkit ang pagka-C/PNP sir!

Nabatid na two weeks bago magretiro ay nagsumite ng shortlist si SILG Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ng limang pangalan na posibleng pagpilian nito.

Kabilang sa mga pagpipilian ay sina Deputy for Admin at number two man ng PNP na si P/Lt. Gen. Camillo Cascolan ng PMA class 86 na talagang nagpakita rin ng malasakit sa pulisya at bayan.

Bilang three-star general in command, ibinahagi ni Eleazar sina TCDS P/Lt. Gen. Hawthorne Binag ng PMA Class 87 na kaklase ni Guilor.

Matunog rin ang aspiring C/PNP na si NCRPO RD SINAS na nagmula rin sa PMA class 87 na kamakailan naman ay ipinagtanggol nina C/PNP Gamboa at PRRD dahil sa nasangkutang viral posts na “Mañanita” at nasundan pa ng viral video sa pagpaaalis sa isang pamilya ng retiradong tropa na naninirahan sa loob ng kampo.

Muli rin lumulutang sa pagka-C/PNP ang tinaguriang dark horse na nagmula sa Davao na si CoVid-19 survivor PRO4A RD P/BGen. Vic Danao na siyang nag-angat sa morale ng pulis-Calabarzon dahil sa pangunguna nito sa rescue at ayuda operation noong panahon ng Taal eruption na nasundan ng pandemya.

Si RD Gen. Danao ay nakitaan ng pagiging likas na public servant dahil talagang serbisyo ang ipinakita niya upang malampasan ang delubyo ng Taal at paglaban ngayong pananalasa ng pandemyang CoVid-19, kaya nga hindi naging kasing taas ng CoVid positive ang Calabarzon, ‘di tulad ng NCR.

Sa panahon ni Danao, umani ng mga hakot awards o parangal ang PRO4A bilang Best Police Regional Office na talaga namang para sa kapakinabangan ng mamamayan ng Calabarzon.

May the best man win ‘ika nga.

Pero ayon sa insider, e naikamada na raw ng Davao Group kaya’t tiyak na si Eleazar, ang papalit kay C/PNP Gamboa?!

Mas maganda siguro na walang bahid katiwalian o droga ang susunod na mamumuno. Sabi nga ng mga lespu ‘e doon sila sa opisyal na kahit walang limpak na salapi ‘e tunay na may malasakit sa tropa at sa serbisyong totoo para sa mamamayan!

‘Yun na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *