ANIMO’Y batang tuwang-tuwa si Sylvia Sanchez nang buksan ang sorpresang regalo sa kanya ng anak na si Ria Atayde. Paano’y puno ng picture ng Korean actor idol niya ang regalong iyon.
Para ngang kinilig pa ang aktres dahil hangang-hanga siya sa galing umarte ng mga artista sa It’s Okey To Not Be Okay.
Sa Facebook ibinahagi ni Sylvia ang kasiyahan sa regalong natanggap mula sa anak na naglalaman ng sikat na doll mula sa Korean drama na It’s Okey To Not Be Okay at may mga picture ng mga bida nitong sina Kim Soo-hyun, Seo Ye-ji, at Oh Jung-se.
Naglalaman din ang kahon ng noodles, soju, at bisquits.
Ani Sylvia, gustong-gusto niya ang K-drama na si Ria mismo ang nagsabing panoorin iyon dahil tiyak na magugustuhan niya. At tama naman dahil natuwa siya sa palabas.
Aniya sa caption ng video at pictures, “You really know how to make me happy, potpot️simple lang pero napakasaya ko thank you nak ️ alam mong minahal ko ang character ni Sang Tae Oh Jung Se at tama ka, ang ganda ng It’s ok to not be okay at ang gagaling nilang lahat️at ang galing ng crush mong si Kim Soo Hyun ️ this is one of the best KDramas I’ve ever seen — acting, directing and tackling mental health issues. Don’t miss out on this show, guys! Watch it if you haven’t yet ️
Sang Tae, Gang Tae and Ko Mon Yoon
Love you my potpot Ang happy lang ng afternoon ko
Yeeeyyyy 🕺.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio