Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Grace kay FPJ — Lagi siyang nakabantay sa amin para matulungan ang mga humihingi ng tulong

KAHAPON, Agosto 20 ang kaarawan ng itinuturing na Hari ng Pelikulang Pilipino, ang National Artist na si Fernando Poe Jr. kaya hindi napigilang magkuwento ang anak niyang si Sen. Grace Poe ukol sa kanyang ama.

Ayon sa senadora, “Alam n’yo, maraming naging kaibigan ang tatay ko, mga naging katrabaho niya noon. Ilan sa kanila buhay pa ngayon at may mga nanghihingi ng tulong pinansiyal.

 

“Ang ginagawa ko dahil hindi ko naman sila mahindian, ‘yung kinikita ko bilang senador, doon ko kinukuha ang ipinantutulong ko.

“Eh hindi naman kalakihan ang kita ko kaya dumarating ‘yung pagkakataon na kulang.

“Then, isang beses, may nanghingi ng tulong. Bumalik uli dahil siguro talagang matindi ang pangangailangan. Nag-pray ako at sabi ko sa tatay ko, ‘parang tuloy-tuloy na ito,’ na magiging puntahan ako ng mga nangangailangan niyang kaibigan.

“Alam n’yo ba, noong mismong oras na iyon, nakatanggap ako ng message mula sa mommy ko (Ms. Susan Roces). May ibibigay daw siya. My mom kasi, mayroon siyang holding company na para sa iba’t ibang negosyo na itinayo ng pamilya namin noon pa. Mula nang mag-start ‘yung lockdown, pinadadalhan niya ako mula sa kita ng holding company. Pero noong time na ‘yun, bigla siyang nag-decide na padalhan ako ng isang generous amount.

“Sabi ko, ‘Oh my God, sobrang laki nito na pwede nang masagot ang lahat ng assistance na hinihiling mula sa akin. Para ko tuloy narinig ang tatay ko na nagsasabing, ‘Wag mo nang indahin ‘yan, maliit na bagay lang ‘yan. Eto naman, mayroon(laging solusyon).’”

Sa nangyaring iyon, nahinuha niyang, “Dahil nangyari ‘yun sa araw na may kaibigan siyang nanghihingi ng tulong sa akin, doon ko natiyak na laging nandiyan si FPJ, patuloy na nagbabantay sa amin.”

Samantala, kakaibang celebration ang ginawa ni Sen. Grace para sa 81st birthday ng kanyang yumaong ama. Ito ay ang pagdo-donate ng 50 electronic tablets para sa mga mahihirap na estudyante na sasabak sa online at blended learning sa gitna ng Covid-19 pandemic.

“Tiyak kong matutuwa si FPJ para sa tulong na ito sa mga kabataang lubos na nangangailangan lalo na ngayong tayo’y may kinakaharap na malaking health crisis. Noong siya’y nabubuhay pa, madalas niyang sabihin at ipakita na mas malapit sa puso niya ang mga mahihirap nating kababayan,” 
ani Poe.

Ibinigay ng senadora ang mga Cherry Mobile tablets sa Don Quintin Paredes High School sa Quezon City para ipamahagi sa kanilang mga estudyante. Tinanggap ni Ernest Ferrer Jr., principal ng eskuwelahan, ang mga gadget mula mismo kay Poe, kasama and chief of staff at anak niyang si Brian Poe Llamanzares at Quezon City Vice Mayor Gian Sotto.

“Higit lahat sa panahong ito, hindi dapat maiwan sa pag-aaral ang mga kapuspalad nating estudyante dahil lang wala silang kakayahang bumili ng sarili nilang tablet para sa online education,”
 giit ng senadora na isa ring dating guro.

Ang mga tablet na ipinamahagi ni Poe ay makatutulong para sa bagong paraan ng pag-aaral. Dahil wala na munang face-to-face classes upang makaiwas sa Covid-19 ang mga bata, kinailangan ng DepEd na yakapin ang alternatibong distance learning para sa darating na school year na magsisimula na sa October 5 para sa mga pampublikong paaralan.

“Sa pagharap natin sa pandemyang ito, mas mahalagang itulak tayo ng krisis tungo sa innovation at inclusion at hindi para palalain ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao lalo na sa larangan ng edukasyon,”
 aniya pa.

Idinagdag pa ng senadora na ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo at indibidwal tungo sa isang layuning tumulong sa mga mahihirap ay matagal nang adbokasiya ni FPJ.

“Sa kanyang mga pelikula noon, siya man ang pinakabida pero ipinakikita rin na kailangan niya ang tulong ng mga tao, ng mga ordinaryong tao, para magtagumpay. Ganyan din tayo ngayon, kailangan nating magsama-sama para makabalikwas mula sa problemang dulot ng Covid-19,” 
dagdag pa ni Poe.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …