Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, ibinalik ng guard nang magtangkang lumabas ng bahay

MASAYANG-MASAYA si Mother Lily Monteverde sa kanyang zoom birthday conference dahil maraming celebrities ang bumati sa kanya. Star studded nga, ‘ika namin kahit may pandemic.

Bumati kay Mother ang mga artistang sina Judy Ann Santos, Ricky DavaoEnchong Dee, Ritz Azul, Lovi Poe, ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan at mga kaibigan niya in and out of  showbiz.

Masiglang-masigla si Mother kaya naman masaya niyang pinagbigyan ang kahilingan ng mga ka-zoom na tumugtog siya ng piano na biro niya’y ‘yun at ‘yun din naman ang piyesang tinutugtog niya.

Eighty one na si Mother na ang wish ay, “Good health at gusto kong umabot ng 100 years.”

Ka-zoom din ni Mother ng oras na iyon si Direk Joey Reyes na panay ang tanong niya kung kailan sila magsisimulang mag-shooting. Sagot ng magaling na director, ‘umpisa na tayo! Ang dami ko ng pelikulang gagawin.’

 

Ayon kay Mother, hindi na siya nakalabas ng kanilang bahay simula nang mag-lockdown dahil ayaw siyang palabasin ng mga anak kahit mag-grocery lang.

“Minsan akong lumabas sa gate, ibinalik ako ng guard. Ha-hahaha!” tawa ng tawang kuwento ng Regal producer.

Nang tanungin ang Regal Matriarch ukol sa kung paano niya ipo-promote ang entry nila sa Metro Manila Film Festival 2020? Sagot nito, “Hindi ko alam, tuloy ba ang Metro Manila Film Festival?. Entry ng Regal ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan na pagbibidahan ni Joshua Garcia.

“Parang ang hirap. Nag-postpone nga ulit ang theater owners sa opening nila. Sa tingin n’yo kailan babalik ang normal? Next year na ‘no? Next year na siguro ang MMFF” susog naman ni Roselle Monteverde na siyang abala sa zoom conference noong hapong iyon.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …