Wednesday , December 25 2024

Kitkat, thankful sa Beautederm at sa mga nagbigay ng ayuda

KABILANG ang versatile na singer/comedienne na si Kitkat sa mga taga-showbiz na umaaray na sa matinding epekto sa kanilang kabuhayan dahil sa pandemic na dulot ng CoVid-19.

Ipinahayag ni Kitkat na dahil sa pangamba sa nasabing virus, higit limang buwan siyang nagkulong sa kanilang tahanan at maraming offers ang pinalampas.

Wika niya, “Ang dami kong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan dahil sa pandemic. Like, ang dami kong na-turned down na commercials at malalaking projects, nahihindian ko dahil sa takot.

“Lahat po ng negosyo namin ay nagsara, parang bangungot po ang nangyari talaga at tuwing magbabayad ng mga bills at mga bayarin, super-nakalulungkot na paubos na ang ipon namin.

“Siyempre mas mahalaga po ang health at buhay, kaysa, pera… pamilya ko lagi ang iniisip ko, kasi paano na ang pamilya ko ‘pag ako ang nagkasakit?” saad ni Kitkat.

Ayon sa komedyana, sa panahon ng pandemic ay sari-saring tao ang na-encounter niya. “Naku! Ang daming offer, tapos ang dami rin barat. Kasi nga, sinasamantala na akala kakagat dahil need ng trabaho,” nakangiting wika niya.

Thankful naman siya sa mga tumutulong nang buong puso tulad ng CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anocoche-Tan at ng iba pa niyang ini-endorse na products.

“Opo, ang dami pong mga paayuda ng friends, paayuda ng Beautederm at ng mga iba ko pang ini-endorse. Iyong iba, bigla na lang kokontak, magpapadala ng ayuda.

“Iyong mga ibang postings at Live TV like Beautederm, nakatutulong din po sa mga panggastos. Tapos, ‘di ba distributor/model po ako ng Beautederm? So sa pangkabuhayan na ‘yun, buhay po talaga.”

Isa si Kitkat sa proud endorser ng Beautederm. Ang ipino-promote niyang produkto ng BeauteDerm ay ang Slender Sips Coffee and Juice, na bagay na bagay kay Kitkat dahil sa kanyang kaseksihan.

Dagdag pa niya, “Napaka-blessed ko to have known Mommy Rei (tawag sa lady boss ng Beautederm na si Ms. Rhea) kasi mga anak ang turing niya sa amin. Lahat pantay-pantay, walang paborito, walang mas sobrang mahal. Lahat kami mahal niya at napaka-generous niya talaga. Super-suwerte ko na kaibigan ko na si Mommy Rei noon pa, kahit ‘di pa siya kumukuha ng mga ambassadors niya. Basta masasabi ko lang, napakasuwerte ko dumating sa buhay ko si Mommy Rei.”

Ano ang aral na natutunan niya sa panahon ng CoVid-19?

Esplika ni Kitkat “Na lahat ng bagay walang halaga, mapamahal o mura. Ang mahalaga ngayon kalusugan, pamilya, at lalong-lalo na kung paano mag-survive…

“Iyong mga bags, sapatos, at mga kotse natengga… lahat ng mahal, kahit maisip kong ibenta ay wala rin bibili dahil lahat taghirap ngayon. At lahat, pantay-pantay talaga ngayon, dahil kahit mayaman o mahirap ay puwede kang tamaan ng CoVid.”

Naniniwala siyang kahit sino ay hindi malilimutan ang year 2020 dahil sa impact ng pandemic na ito.

Bulalas ni Kitkat, “Ay jusko! I’m sure lahat tayo ‘di makakalimutan itong taon na ito!”

Samantala, kaabang-abang ang bagong TV show ni Kitkat na mapapanood very soon sa Net25.

Makakasama niya rito si Anjo Yllana at malamang daw na late morning or bandang tanghali ang daily show nilang ito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *