Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

King of Talk Boy Abunda abangan sa YouTube, The Blackout Interview mapananood na (Digital world pinasok na)

ALTHOUGH matagal nang napapanood sa YouTube ang mga episode ng showbiz talk show ni Kuya Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda na 300K to 1 million ang views, ngayon pa lang opisyal na pinasok ni Kuya Boy ang digital world kaya’t pakiramdam ng ating King of Talk ay nanganganay pa siya.

Pero dahil talagang mahusay, agad pumalo sa 34K views ang first episode ng talk show niyang Interviewer sa kanyang sariling YouTube network na The Boy Abunda Talk Channel na libo-libo agad

ang subscribers in just two days.

Ang maganda sa content ng show ng Kuya Boy, ay iba-iba ang mapapanood ng kanyang viewers, may topic about showbiz, love, CoVid-19, at iba’t ibang kuwento ng buhay.

Madalas ay makakasama ng Kapamilya TV host ang young, vibrant, exciting, and intelligent millennials na sina Gabby, Clark, at Sky.

At kaabang-abang ang pag-uusapan nila sa Talk About Talk (TAT). Isa pang exciting sa naturang show ni Kuya Boy ang kanyang The Blackout Interview na

bago sa manonood.

At kung sumikat ang Salamin segment ni Kuya Boy noon sa The Buzz at sex o chocalates at lights off, lights on sa kanyang Fast Talk sa Tonight With Boy Abunda ay siguradong papatok rin ang kanyang The Blackout Interview na marami na ang excited na mapanood ito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …