Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang bongga naman! Lizquen inalok raw ng GMA & TV5

MULA mismo sa manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ay may offer sa alaga niyang si Liza Soberano at loveteam nito na si Enrique Gil hindi lang ng isang TV station kundi dalawa raw na network ang interesado sa LizQuen. At ang mga estasyon na ito ay GMA7 at TV5.

Mas nakalulula raw ang TF na inaalok ng TV network ni Mr. Manny Pangilinan kay Liza na tripleng talent fee nito sa ABS-CBN. Pero ang desisyon raw ni Ogie at Liza ay mag-stick sa ABS-CBN at tumatanaw sila ng malaking utang na loob rito.

Oo naman ang ABS-CBN ang nagbigay ng malaking pangalan kay Liza magmula sa mga pinagbidahan nilang teleserye ni Enrique at patok na movies sa Star Cinema.

Para kay Enrique naman, ang Star Magic ang may hawak sa career ng actor kaya’t sila ang may karapatan na magdesisyon sa sinasabing alok sa alaga nila ng nabanggit na TV stations.

Siyempre kasama rin na magde-decide rito si Enrique, pero parang malabong iwan niya si Liza sa Kapamilya network.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …