Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 tindahan ipinasara ni Yorme (Maynila ginawang probinsiya ng China)

SINILBIHAN ng closure order ng Manila City Hall –  Bureau of Permit Licensing Office (BPLO), ang apat na cosmetic stores sa Binondo na una nang sinita dahil sa pagbebenta ng beauty products na may address na Sto. Cristo St., San Nicolas, Manila Province, P.R. China sa kanilang label o packaging.

Ayon sa ulat, ikinasa ang pagsalakay dakong 3:30 pm ng mga tauhan ng BPLO at Manila Police District (MPD) sa dalawang establisimiyento na matatagpuan sa Sto. Cristo St., San Nicolas District, Binondo at ang Stalls IE21 at IE22 sa loob ng Divisoria Mall ang unang tinungo.

Naabutang nakasara ang mga stalls na sinabing pag-aari ng Elegant Fumes Beauty Products, Inc., kaya’t ipinaskil ni BPLO Chief Levy Facundo ang closure order sa pintuan ng mga tindahan.

Nabatid kay Facundo, hindi maaring buksan ang establisimiyento hanggang walang nakikipag-ugnayan sa Manila City Hall BPLO.

“Walang probinsiya ang China sa Binondo, Maynila ito,” ayon kay Facundo.

Ang pagsalakay ay iniutos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ang pagpapasara sa establisimiyento matapos sitahin ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles ang label na nakalagay sa isang beauty products na ang nakalagay na address ay 1st Flr., 707 Sto. Cristo St., San Nicolas, Manila Province, P.R. China.

Kabilang sa ibinebenta ang “Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair.”

Nauna rito, tinawagan ni PBA party-list Representative Jericho Nograles ang mga awtoridad na iimbestigahan at ilagay sa blacklist ang Chinese beauty product.

Ayon kay Nograles, pinaiimbestigahan niya sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Food and Drug Administration (FDA) at hinikayat ang mga mambabatas na parusahan ang maling paglalagay ng address o labelling.

Magugunitang noong 2018, isinabit ang isang banner sa isang footbridge sa Quezon Avenue na may mensaheng “Welcome to the Philippines, Province of China” sa panahon na nagwagi ang bansa sa maliit na kalayaan laban sa China kaugnay ng pinag-aawayang South China Sea.

“Hindi natin hahayaan ang mga superpower na ‘yan na parang tayo ay pinipitik-pitik lang sa mata at binabalewala ang soberaniya ng ating bansa,” ani Moreno sa kanyang Twitter.

Lumalabas na isang insulto sa mamamayang Filipino ang ganitong pagpapakilala sa Maynila na kilalang sentro ng ating bansa. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Konektadong Pinoy Bill Act

Digital connectivity master plan mahalaga sa direksiyon ng Konektadong Pinoy Act — Cayetano

MAHALAGANG hakbang ang pag-aproba sa nationwide digital connectivity master plan upang magkaroon ng malinaw na …

Arrest Posas Handcuff

Sa Parañaque City
Japanese national sinaktan, hinoldap; suspek arestado sa loob ng 24 oras

NAHULI na ang suspek sa nag-viral na video ng panghoholdap at pananakit sa 62-anyos Japanese …

Las Piñas Cebu Sinulog April Aguilar

Stranded na Sinulog participants sa Cebu nakabalik nang ligtas at maayos sa Las Piñas

NAKABALIK na sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataang Las Piñeros na na-stranded sa Cebu matapos …

DPWH

DPWH dapat preparado vs maangas na kontratista

KASUNOD  ng mga repormang ipinatupad para sa badyet ngayong taon, sinabihan ni Senate President Pro …

Senate FDA

Makupad magpakulong ng mga vendor at suppliers
FDA KINASTIGO SA SENADO 
Peke, ‘di rehistradong gamot, supplements kalat na kalat

KINASTIGO ng senado ang Food and Drugs Administration (FDA) dahil sa kabagalan nitong sumampol o …