Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rated K ni Korina, tuloy pa rin (Kaya naman mga staff, may suweldo pa rin)

ISA pa rin sa sinusubaybayan at hinahanap-hanap ng mga suki sa malawakang mga panayam at mga tampok na paksa sa kanyang programa ay ang brodkaster na si Korina Sanchez.

Nawala man sa ere ang prangkisa ng ABS-CBN, tuloy pa rin si Korina at ang kanyang Rated K ” sa social media platforms, na gaya ng Facebook. At mayroon din sa Youtube.

Ani Koring sa kanyang post, “Yes. Rated K lives on. At ngayon Rated Korina na ang name natin sa ating Facebook Page. 

“Watch out for what my lean and mean team put up for you this week on the Rated Korina Facebook Page. We had so much fun shooting this episode. Masaya. Maraming matututunan. Sunday. 6:45 pm. 

“Nawalan kami ng franchise. Pero hindi kami nawalan ng pagmamahal sa inyo. Nandito parin kami. Walang iwanan.🥂 #PangRatedKorina  Kitakits @RatedKorinaOfficial.”

Isa nga sa pinagtuunan nila ng pansin ay ang mga face shield na obligado na nating gamitin para na rin sa ating kalusugan.

 

“Nagkalat ang face shields. Ngayon pa na mandando na ng gobyerno na kelangan may suot kang face shield liban sa face mask tuwing lalabas ng bahay at laluna kung sasakay ng public transport! 

“Ang iba, take advantage sa presyo. Pero, eto. Nagkumpara ako ng mga face shields na nabibili ngayon. Oo, biased ako talaga sa isang brand. But I’ll also tell you why. 

“So, want to know which brand of face shield I highly recommend? Watch Rated Korina Digital (formerly Rated K Official) sa Facebook mamayang 6:45 pm. Para alam ninyo ano ang safest na face shield na dapat niyong bilhin, yung kumportable, stable, magtatagal, malinaw and TAKIP lahat ng dapat takpan. Dont miss it! Kung para sa inyong safety and health, shempre, #PangRatedKYan”

Isang bagay na gusto ni Ate Koring ngayon ay ‘yung pwedeng balik-balikan ang panonood ng kanyang episodes sa YouTube.

Marami rin ang pumansin sa kanyang sexy and toned body sa kasalukuyan. Ang tanong nga ay kung nagpapa-cute ba siya sa esposong si Mar Roxas? Ano raw ang sikreto at ang payat niya ngayon?

“Kailangan ang exercise para hindi ka masiraan ng bait sa panahong ito. I do Yoga. At si Pilar, na akala mo ten years old na eh, nagagaya na ang poses ko.”

Hindi naiinip si Ate Koring sa exercises niya with her dumbells. Bakit?

“Eto ‘yung times na nakakalkal ko mula sa baul ang mga music nina Al Jarreau, ng Beatles, mga kapanahunan, ang mga kanta ng 80s. Lalo na kung nagi-skipping rope ako. 500 hops. Nakakapagod. Pero if you love listening to the music, hindi mo mapapansin.  Then, magre-rest ka lang. Masakit na sa tuhod sa edad ko. Pero mahal ang stem cell. Wala akong trabaho ngayon. I swim also. At bantay na sa kinakain. Kaya iwas sa carbo, sugar, kanin, pasta, sweets.” 

Isang magandang ginawa ni Ate Koring sa pagpapatuloy ng kanyang programa, na hiniling niyang maituloy mula sa kanyang kompanya ay ang mabigyan pa rin ng trabaho ang kanyang staff.

“Natuwa rin ako kasi marami pa rin ang gusto’ng sumuporta. Kaya naman nasusuwelduhan ko pa rin ang aking staff. Milyon na ang followers nito sa FB. Kaya, tuloy pa rin siya. I still do face-to-face interviews kapag hindi takot ang subject ko.”

At ang kanyang signature kaway ay hindi nawawala sa bawat ending nito.

Inspirasyon kay Ate Koring ang kambal na sina Pepe at Pilar na sa bawat araw ay may panggulat na bagong ipinamamalas sa kanila ni Mar.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …