Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

No barrier sa motorsiklo puwede naman pala?! (‘Ginago’ lang ang motorista at mag-asawa)

NOONG una ayaw nating isipin na parang ‘nanggagago’ lang ang opisyal ng gobyerno na nag-utos na kailangan may barrier sa pagitan ng mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo.

Hindi kasi natin makita ang lohika ng kautusan gayong magkasama ang mag-asawa sa bahay.

Kung sumusunod sa batayang health protocols na ipinaiiral ngayon upang hindi mahawa sa CoVid-19, wala tayong nakikitang ‘panganib’ na magkahawaan kung magkaangkas man ang mag-asawa.

Mas malaking panganib ang pagkakabit ng plastic barrier lalo na kung malakas ang hangin. Malamang na ikadisgrasya pa ito ng motorista at ng kanyang asawa.

Pero dahil huhulihin at pagmumultahin ang mga hindi magko-comply sa barrier, marami ang naghanap at bumili.

Marami ang nakabili na ni-reject kasi hindi raw iyon ang design kaya palit na naman. Doble tosgas na ‘yan.

Noong ibaba ang ikalawang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR at sa iba pang lugar, nitong 1 Agosto hanggang 18 Agosto, biglang pinayagan na puwede na raw mag-angkas ang motorsiklo kahit hindi nila asawa basta makapagpakita lang ng dokumento na sila ay authorized person/s outside of residence (APOR).

Medyo nakalilito pero uunawain pa rin natin, kasi nga may pandemya.

Heto ngayon, ini-lift na ang MECQ at idineklara nang under general community quarantine (GCQ) ang NCR at iba pang probinsiya kasunod no’n biglang sinabi na puwede nang walang barrier ang mga motorsiklo?!

Wattafak!

Okey lang po ba kayo, mga bossing sa Inter-Agency Task Force (IATF) o sa National Task Force o sa Joint Task Force COVID-shield?!

Mukhang parang nai-stress kayo dahil parang nalilito na kayo sa mga desisyon ninyo? Ang dami ninyong pinabili ng barrier ‘e ang hirap na nga ng buhay at ang hirap kumita ng salapi, pinagastos n’yo pa tapos puwede naman palang wala?!

Sino ba ang kumita riyan sa barrier na ‘yan sa inyo?!

Puwede namang wala, ‘ginimikan’ pa ninyo ‘yung mga motoristang nagsisikap makatipid at kumita para sa pamilya tapos pinatosgas pa sa ‘kalokohan.’

Bakit ninyo tinanggal ang barrier? Natakot kayong ma-karma gaya ng nangyari sa ‘master mind’ ng barrier sa motorsiklo?!

Wala ba talaga kayong nararadamang “compassion and empathy?”

Tsk tsk tsk…

RESPETO SA BATAS
PAALALA SA PECO

Heto pa ang isang walang pakundangan sa batas.

        Sinabihan ng Distribution Utility na More Electric and Power Corp, (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) na respetohin at sundin ang itinakda ng batas sa harap ng nagpapatuloy na legal battle sa pagitan ng dalawang power firm at nakatakdang pagpapalabas ng desisyon ng Supreme Court (SC) sa legalidad ng inihaing expropriation case, kahit may legal remedies.

        Kasabay nito, kinastigo ni More Power President and CEO Roel Castro ang ipinakakalat ng kampo ng PECO na may biases ang RTC judges at SC sa More Power kaya pumapabor ang desisyon nito sa kanila.

        Ang mga desisyon daw ng korte ay nakaayon sa facts habang objective at independent ang mga hukom at mahistrado sa pagresolba sa mga kasong hawak nito.

        Sinabi ni PECO Legal Counsel Atty. Estrela Elamparo na ang kanilang ‘main fight’ ay talagang sa SC at naniniwala silang idedeklarang unconstitutional ng kataas-taasang hukuman ang takeover ng More Power sa assets ng PECO habang si Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano ay umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na pumagitna sa usapin ng dalawang kompanya dahil sa palagay nitong bias ang korte sa bagong distribution utility.

        Pero ipinaliwanag ni SC Spokesman Brian Hosaka na walang basehan ang akusasyon ng pagiging bias ng kataas taasang hukuman.

Aniya, ang SC ay binubuo ng 15 mahistrado at ang desisyon nito ay nakabase sa majority vote at laging nakaangkla sa facts, applicable laws at current jurisprudence.

        Matatandaang 11 Disyembre 2018 nang bigyan ng 25 taong legislative franchise ng Kongreso ang More Power na maging solong distribution utility sa Iloilo City kapalit ng PECO. Noong 14 Pebrero 2019 isinabatas ito ni Pangulong Duterte nang lagdaan ang Republic Act 11212.

        Sa desisyon ni Iloilo Regional Trial Court Branch 23 Emerald Requina-Contreras, sinabing nang mag-expired ang prankisa ng PECO noong 19 Enero 2019 ay wala na itong legal ground para kuwestiyonin ang batas, kasunod nito ay iniutos ng korte ang writ of possession para ilipat ang distribution system asset ng PECO sa More Power hindi bilang pagbibigay pabor sa bagong franchisee kundi para matiyak na hindi mapuputol ang serbisyo sa consumers. Ang nasabing usapin ang nakatakdang desisyonan ng SC.

Samantala, umabot sa 70,000 reklamo mula sa consumers ang natanggap ng More Power sa loob ng limang buwang operasyon nito.

Sinabi ni Castro, ang natatanggap nilang dami ng reklamo ay pagpapakita ng tunay na estado ng power system sa Iloilo City nang kanila itong datnan.

Sa rami ng problema noon sa ilalim ng PECO ay isinara nito sa publiko ang kanilang hotlines gayondin ang consumer complaints kaya nang mag-takeover ang More Power ay ginawang 24/7 ang hotline, aktibo sa social media at mayroong face to face complaints desk.

“Nagkaroon ng delayed action sa mga reklamo, PECO were never open kaya natambak ‘yung mga problema ng consumers, but under our watch we are transparent and we are now addressing all the complaints,” pahayag ni Castro.

Kung ikokompara umano ang pagtugon ng More Power sa problema sa power service sa lalawigan ay hindi ito maihahambing sa PECO dahil isinara ng huli ang kanilang pintuan sa kanilang power consumers.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *