Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zara Lopez, lalong lumalago ang Sweet Reece’s business

NAG-ENJOY ang sexy actress na si Zara Lopez nang nag-guest sila kamakailan sa newest game show nina Paolo Ballesteros at Wally Bayola sa TV5, titled Bawal Na Game Show.

Kasama niya rito sina Andrea del Rosario, Gwen Garci, at Sheree. Aminado si Zara na na-excite siya sa unang TV guesting mula nang nagkaroon ng pandemic, higit limang buwan na ang nakararaan.

“Yes po tito, eto po ang unang guesting ko mula nang nagkaroon ng pandemic,” panimula ni Zara.

Saad pa ng dating member ng Viva Hot Babe, “Kaya po bago mag-taping ng game show na ito, hindi po ako nakatulog, hindi ko po alam kung bakit. Siguro po excited akong magtrabaho ulit at magbalik-TV, and excited din po kasi mga kapatid ko sa Hot Babes ang makakasama ko sa work.

“Mas magaan po kasing makatrabaho kapag mga kaibigan mo na. May mga artista po kasi talaga na hirap akong katrabaho.”

Kamusta ang guesting nila? Magkakalaban ba silang apat?

Tugon ni Zara, “Super-enjoy po kami, lalo na yung nanalo… Pero bawal pang sabihin, hehehe.”

Pahabol pa niya, “Yes po, magkakalaban po kaming apat.”

Paano niya ide-describe ang show? Paseksihan ba ang ginawa nila roon?

Wika niya, “Yung show tito, hindi paseksihan. More on fun lang po siya, wala pong pressure masyado. Mae-excite ka po sa bawal challenge…

“Honestly tito, lahat po ng staff sa game show ay ang babait. Even yung director ng show, pinuntahan kami sa dressing room para i-explain kung paano tatakbo yung show.

“Akala namin mahirap yung mga games nila, pero kayang-kaya naman po namin lahat. Sobrang fun po ng show and natuwa rin po kami kina Wally ang Paolo, ang babait po nila katrabaho sa stage, hindi po sila snub. And marami po kaming mga hugot na sinabi roon, hahaha! Natuwa naman po sila,” nakangiting saad pa niya.

Samantala, thankful si Zara sa patuloy na magandang takbo ng business niyang Sweet Reece’s na mayroong peanut butter, no sugar peanut butter, at yema spread.

Actually, bukod sa lalong dumarami ang resellers niya, may nadagdag silang produkto na patok na patok na agad sa kanilang mga suki.

“Yes po, may nadagdag po tito, ang Sweet Reece’s Chichapop na pag-aari naman po ng sister ko na si Rhain. Binigyan ko po ng negosyo ang kapatid ko, since mas nakatutok na po siya rito sa negosyo namin. Kaya better na may pinagkakakitaan din po siya at magkaroon din ng sariling negosyo, since nakapasok na po kami sa online business kaya mas madali na pong magpasok ulit ng iba pang products na dagdag sa business.

“Nakakatuwa po, kasi sarap na sarap din po ang lahat ng customers and resellers namin sa bagong produkto namin. Sobrang happy po ako na naka-create po kami ng negosyo. Malaking tulong po para sa pamilya namin, lalo na at bread winner po ako.”

Nabanggit pa ni Zara na very thankful siya na kahit panahon ng pandemic ay humahataw ang kanyang business.

Sambit niya, “Una po, nagpapasalamat po ako kay Lord, kasi ang tagal ko pong  hinintay na magkanegosyo na tatangkilikin talaga yung produkto mo. Nagnegosyo na po ako before ng pizza shop, nalugi lang po ako ng 1.5 million, pero okay lang po yun, tinanggap ko na lang po, kasi lesson learned iyon, kumbaga.

“May mga negosyo talaga na hindi para sa iyo at mayroon na right time si Lord para ibigay sa iyo yung tamang blessings. Hindi po kasi talaga lumalabas ang mga tao, kaya mas pinipili po nila na magpa-deliver na lang sa mga bahay-bahay and mas marami rin pong mga resellers and distributor namin na mas gusto ito, kasi may extra income sila, kahit may mga trabaho na po sila.

“Eto na rin po kasi talaga ang shopping center ng mga tao ngayon, ang online,” esplika pa ni Zara.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …