ni Rommel Gonzales
Wendell at Katrina, tutok sa kani-kanilang anak ngayong quarantine
ABALA sa kani-kanilang pamilya sina Katrina Halili at Wendell Ramos habang hindi pa bumabalik sa taping ng Prima Donnas.
Nilulubos ni Katrina ang kanyang panahon sa bahay para gabayan ang unica hija na si Katie Lawrence.
Aniya, gusto niyang lumaki ang anak na marunong sa buhay. “Natuturuan ko siya at nakakatulong siya sa akin dito… Nauutusan ko siya. Tini-train ko siya, kasi ayaw ko siyang lumaking señorita.”
Si Wendell naman ay abala rin sa pagbibigay ng oras sa kanyang anak na si Wendell Saviour at isa sa kanilang paboritong libangan ang pagwo-workout. Kamakailan din ay nagbukas ng food business si Wendell at sariling YouTube channel.
Happy naman ang kanilang supporters dahil napapanood na muli ang Prima Donnas simula August 17, 3:25p.m., sa GMA Afternoon Prime.
RATED R
ni Rommel Gonzales
ni Rommel Gonzales