ni Jun Nardo
TF ni Yorme sa bagong endorsement, ibinigay sa Santo Niño de Parish Church
NAPUNTA sa papapagawa ng Santo Niño de Parish Church sa Pandacan ang talent fee ni Manila Mayor Isko Moreno bilang endorser ng Livergold.
Sa contract signing ni Yorme sa Manila City Hall na inilabas ng business manager niyang si Daddie Wowie Roxas, kasama ni Mayor Isko si Roy de Leon, ang president/owner ng kompanya.
Matatandaang nasunog ang simbahan nitong nakaraang buwan. Sa isang hiwalay na post, ipinakita ng Manila Mayor ang cheke na kanyang ibinigay na kung hindi kami nagkakamali ay P700K ang halaga, huh!
Pinapurihan ng parishioners ng simbahan ang tulong sa simbahan si Yorme.
I-FLEX
ni Jun Nardo
ni Jun Nardo