Friday , December 27 2024
philippines Corona Virus Covid-19

Doble ingat sa balik GCQ

NGAYONG araw, opisyal nang idineklarang General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila o National Capitol Region (NCR), at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal matapos ipatupad ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ).

Gaya nang dati, hati-hati ang mga opinyon ng mga opisyal ng gobyerno at ng publiko. Mayroong gustong i-extend, mayroon naman gustong i-open na.

SA huli, ang GCQ ay pinayagang ipatupad ng Pangulo sa NCR at sa tatlong probinsiya gayondin sa Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Iloilo City, Cebu City, Lapu Lapu City, Mandaue City, Talisay City,  Municipality of Minglanilla, Cebu, at Municipality of Consolacion, Cebu.

Mapapansin natin na ang mga lugar na nabanggit ay pawang sentro ng iba’t ibang industriya at manupaktura.

Ibig sabihin, sa nasabing lugar makikita ang maraming trabahador, maliliit na empleyado, at mga obrero na umaasa sa kanilang araw-araw na kita.

Kapag wala silang trabaho, walang kita o ‘yung sabi nga ng matatanda, isang kahig, isang tuka.

Noong hindi pa natin nararanasan ang pandemya, marami ang nagsasabi — “Basta masipag ka lang hindi ka magugutom.”

E dumating nga ‘yung panahon ng pandemya. Marami tayong mga kababayan na nakita ang realidad. Hindi lang puwedeng kumikita araw-araw. Kailangan talaga ‘yung kahit paano ay may naisusubi. Hindi lang puwedeng santambak ang groceries mo sa bahay, kailangan may nakatanim rin na gulay.

Hindi puwedeng marami ka lang pera, kailangan marunong ka rin makisama at may sense of neighbourhood para kapag dumating ang panahon na nahawa ka ng CoVid-19, magsisimpatiya sa iyo ang kapitbahay at hindi ka pandidirihan.

Hindi puwedeng marami ka lang stocks na face masks, alcohol, face shields, at kahit latex gloves pa, kailangan marunong ka rin maghugas ng kamay at hindi ka burara na panay ang pangungulakot at panay lang ang pahid ng daliri sa laylayan ng blouse o sa gilid ng palda o pantalon.

Hindi puwedeng may sasakyan ka lang, kailangan, alam mo rin kung sa anong importanteng bagay kailangan gamitin ang sasakyan.

Hindi puwedeng kapag GCQ na, arangkada nang arangkada agad. Kailangan ngayon ng mas dobleng pag-iingat.

Huwag maging parang saranggola na bigla-biglang umaalagwa at parang turumpong kangkarot na ikot nang ikot.

Stay put pa rin mga kababayan. Lumabas lamang kung kailangang kailangan — like bibili ng food, bibili ng gamot, at iba pang essentials.

Okey lang makipag-bonding sa friendship basta sure lang na you are free from CoVid-19 para siguradong hindi na darami pa ang mahahawa.

Tandaan: ang pag-iingat sa sariling kalusugan sa panahon ng pandemya at pagiging tapat at hindi pagsisinungaling sa tunay na kalagayan o nararamdaman ay malaking ambag para matuldukan natin ang pandemya.

Ang pag-iingat sa sarili ay katumbas ng pag-iingat sa pamilya, sa buong komunidad, at sa buong bansa.

Sabi nga ni Presidente: “Just, as I said, just be careful. Follow the safeguards.” 

Doble ingat po sa lahat!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *