Monday , December 23 2024
QC quezon city

70 construction sites sa QC, lumabag sa ‘safety protocols’  

NABUKO ng Department of Building Official (DBO) ng Quezon City government na may 70 construction projects ang lumalabag sa “health and safety protocols” sa gitna ng pandemyang CoVid-19 sa isinagawang sorpresang inspeksiyon.

 

“We have issued Cease and Desist Orders for the immediate stoppage of construction activities of these non-compliant projects,” ayon kay DBO head Atty. Dale Perral.

 

Aniya, pito sa mga nasabing projects ay nadiskubreng may mga positive CoVid cases kaya inihahanda na umano nila ang ‘administrative fines’ at mga kaukulang parusa sa mga lumabag.

 

Ayon kay Perral, nilabag ng construction sites ang  Department Order No. 39 ng  Department of Public Works and Highways (DPWH), o ang ipinatutupad na safety guidelines para sa infrastructure projects, at safe workplace guidelines ng Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Bukod dito, nilabag din aniya ang DBO at City Engineering Department (CED) joint memorandum, o ang revised construction guidelines sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) para sa construction infrastructure projects sa lungsod.

 

Aniya, sa kanilang isinagawang sorpresang inspeksiyon ay nalaman nila ang kakulangan ng mga itinalagang safety officers, missing personal records, at health reports ng mga  personnel na kinakailangan para sa  contact tracing.

 

“We will allow them to resume with their on-site construction activities as soon as they have completed the 14-day quarantine protocol and passed the city’s assessments,” dagdag ng DBO head.

 

Pinayohan ni Mayor Joy Belmonte ang lahat ng  establisimiyento sa lungsod, maging ang malalaking construction sites, na sumunod sa health protocols upang maprotektahan ang kanilang mga empleyado at katabing mga komunidad.

 

“We understand that granting workers medical leave to isolate have significant economic costs, but so would major outbreaks. We appeal to everyone to cooperate in stopping COVID-19 transmission in the city,” dagdag ng alkalde. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *