By way of his Facebook account, Eric Fructuoso was able to clear some misconceptions.
Hindi raw siya namamasada ng tricycle. May halong pagbibirong sabi niya:
“Hindi po totoong namamasada ako ng trike sa Naic, Cavite… Dine ako sa Lipa, Batangas namamasada mas malaki ang kita! Akalain mong P200 espesyal hanggang Rowbeensons?”
In his succeeding post, Eric said that the tricycle drivers should not be belittled.
“May kumpare akong trike driver sa BF Homes at noong nag-garage sale ako dati e ‘yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumili ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko.
“Kaya nga ‘barya lang sa umaga’ dahil buo-buo ng pera nila.”
In his third post, nagsabi si Eric na hindi “pala kelangan clumeavage para mag-trending.”
Ang tinutumbok ng aktor ay hindi niya kailangang magpakita ng katawan para pag-usapan.
The other night, nag-post ng video si Eric kung saan nagpaliwanag siya tungkol sa larawan niyang nagda-drive ng tricycle.
Ngayong pandemya raw, hindi kailangang ikahiya ang anumang trabaho basta’t marangal.
“Sa panahon kasi ngayon, hindi ka pwedeng maarte. Hindi pwedeng kaartehan ang pairalin.
“Basta pagkakakitaan legal, para sa pamilya, tirahin lang nang tirahin.”
Sa bandang huli, Eric said that there is such a thing as dignity of labor. Huwag mo raw ikahiya ang anomang trabaho hangga’t walang sinasagasaan, at ginagawa ito sa malinis na paraan.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.