Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, na-embarass kuno sa pagkaka-link kay Mayor Vico Sotto! (Char!)

NAI-SHARE the other day, August 15, ni Bea Alonzo ang kanyang initial reaction sa panunukso ng netizens sa kanilang dalawa ni Mayor Vico Sotto.

Nangyari ito sa virtual talk show ni Vice Ganda na Gabing Gabi na Vice, where Bea guested together with Angel Locsin.

Mayroong palaro sa show ni Vice na kung tawagin ay “Eyes Ganda.”

Dapat mahulaan ng guest kung sino ang nagmamay-ari ng mga matang ipakikita ni Vice sa screen ng kanyang cellphone.

Isa sa mga ipinakita ni Vice ay mga mata ni Coney Reyes, ina ni Mayor Vico.

While they were contemplating whose eyes were on Vice’s cellphone, the unkabogable fag asked Bea if there really is something between her and Vico Sotto.

“Ay, wait lang, speaking of Coney Reyes, may something ba kayo ni Vico Sotto, Bea?

“‘Di ba, parang may narinig akong gano’n?”

Inilinaw ng natatawang si Bea na nagdala lang daw sila ng donation roon.

“Hiyang-hiya nga ako roon sa mayor dahil sa caption ko siguro, tapos nag-trending.

“Kasi ang kinaption ko, ‘Ma, nakita ko na ‘yung paborito ninyo.’

“Kasi, ‘di ba, iyon ‘yung (scene) ko with Tita Coney? And then, nag-trending.

“Hiyang-hiya talaga ako para akong nagpapansin tuloy ang dating.”

Bea and Coney were together in the 2013 film movie “Four Sisters And A Wedding.”

Pabiro tuloy niyang sinisi ang kanyang kaibigang si Janus del Prado sa mga pangyayari.

Gayonpaman, hindi itinatago ni Bea na namangha siya sa maayos na pamamalakad ni Mayor Vico sa lungsod ng Pasig.

Sundot ni Vice, “Guwapo siya in person, si Vico?”

Bea’s straightforward answer, “Oo, saka ang galing nila roon, as in organized, practice ng social distancing, maayos.”

The donation that Bea and Rina brought to the municipality of Pasig came from their COVID-19 relief operation called I Am Hope.

Apart from Pasig, they also gave some assistance to 27 hospitals and 17 barangays in Metro Manila.

Inasmuch as Bea’s being linked to Mayor Vico, malakas pa rin ang usap-usapan na ang tunay na lalaki sa buhay ng dalaga ay ang aktor na si Dominic Roque.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …