Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar magdo-donate ng isolation tents, ginawan ng kanta si Pres. Duterte

MAMIMIGAY ng isolation tents ang singer/songwriter na si Gari Escobar. Actually, nagpapahanap siya ng mga ospital na mabibigyan nito.

Aniya, “Iyong tent po, sa grupo ko manggagaling, sa Team Supreme po, project po namin ngayon iyan kasabay na ‘yung pagtulong po sa frontliners natin.”

Bukod sa kanyang daily FB live na siya’y nagbibigay pag-asa sa ating mga kababayan sa panahong ito ng pandemic, aktibong tumutulong sa frontliners ang grupo ni Gari.

Inusisa namin si Gari kung may plano ba siyang pasukin ang politika sa darating na panahon. Ngunit isang mariin at may paniniyak na, “Hindi po!” lamang ang kanyang isinagot dahil una ay bawal daw sa INC at pangalawa, gusto niya lang daw talagang makatulong sa abot ng kanyang makakaya.

Ayon kay Gari, nais niyang makatulong sa kasalukuyang administrasyon dahil itinuturing niya raw na tatay-tatayan ang Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hangang-hanga ako kung paano niya naha-handle ang maraming suliraning kinakaharap ng ating bansa sa ngayon, kasabay pa ng kanyang agresibo at ambitious na Build, Build, Build Projects.

“Ang galing ng tatay ko! Lagi ko siyang isinasama sa aking mga panalangin, pati ang ating bansa. Pangarap ko na makausap siya at maiparinig sa kanya ang isang kanta na na-compose ko, na siya ang aking naging inspirasyon,” wika pa niya.

Pahayag ni Gari nang inusisa namin kung ano’ng kanta ito, “‘Yun pong Rise Up Philippines, nagawa ko po ito noong 2016, nang nangangampanya pa lang si Tatay Digong. Siya kasi ang nakita kong pag-asa ng Filipinas para umangat uli, makabangon sa matagal na pagkasadlak sa kaguluhan, kahirapan, harassments, at abuses.”

Sa ngayon ay very excited siya dahil naka-enroll si Gari sa Cherie Gil Masterclass acting workshop na nag-start na noong August 14.

Anyway, si Gari ang nasa likod ng self-titled album mula Ivory Music na mayroong 12 cuts na kinabibilangan ng mga awiting BaguioDito Sa Piling KoTama NaHabang Nandito Pa AkoFrom Friends to LoversHanap Ko Pa RinAyoko na SayoAyaw Kong Makita KaHindi Ka Na Muling Mag-iisaIsang Halik PaMasisisi Mo Ba, at Lumaban Ka na karamihan ay siya mismo ang sumulat.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …