Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darwin, handang ipakita ang lahat; Enzo, no-no na mai-inlove sa kapwa lalaki

SA Agosto 30 pa mapapanood ang My ExtraOrdinary sa TV5, and BL series na pinagbibidahan nina Enzo Santiago, Darwin Yu, Karissa Tliongco, Z Mejia, at Sam Cafranca, usap-usapan na ito.

 

Bukod sa nakakuha agad ng 28K ang official trailer nila sa Youtube, isang araw pagka-post nito, palaban ang dalawang bidang sina Enzo at Darwin.

Ang istorya ng My ExtraOrdinary ay ukol sa innocence, friendship, beauty of awakening desire, acceptance, at how time heals all wounds. Ito ay idinirehe ni Jolo Atienza at mula sa panulat nina Vincent de Jesus at Kristian Kabigting. Handog ng Asterisk Digital Entertainment.

Ayon kay Darwin, hindi siya natatakot ma-typecast sa role na ginagampanan niya sa BL series. “Work is work. I love my work, this is my passion.

 

“Gagawin ko kahit anong character pa ‘yan, kahit challenging pa ‘yan. Kahit husgahan man ako ng ibang tao, I don’t care. Gusto ko lang ibigay ang hinihingi ng character ko at gusto kong maipakita sa mga taong naniniwala sa akin sa mga nagmamahal sa akin at sa mga nagmamahal sa character ko.

 

Iginiit pa ni Darwin “Wala akong pakialam sa mga magdya-judge sa akin or what. Kagaya nga ng sinabi ko rati na it’s part of my dream.”

 

Sinabi pa ni Darwin na wala siyang limitations sa paggawa ng BL series. “Wala akong limitation. Depende, siguro kung sobra na kung hindi naman kailangan sa scene or what na hindi naman mabibigyan ng justice, hindi ko gagawin.”

 

Natanong sina Darwin at Enzo kung posibleng ma-inlove sila sa kapwa nila lalaki.

Sagot ni Enzo, “Ako, para sa akin, sa ngayon siguro hindi ko pa nakikita ang sarili ko na mai-inlove totally sa isang lalaki.

 

“Pero hindi naman porke’t mai-inlove sa isang lalaki hindi ko na siya tatratuhin na parang mas sobra sa tropa. Kasi mas gusto ko ngang magkaroon ng tropang lalaki na mas close kaysa friends lang.

 

“Parang best friend, close friend, ganyan. Actually nakita ko na nga, ito na (sabay tapik kay Darwin). Kasi unang-una ang dami naming pagkapareho, ang dami naming experiences na nadanasan na pareho rin bukod sa family, acting, ganyan, ganitong klaseng tao ang hinahanap ko.”

“Ako siguro romantically wala pa naman akong nae-experience, and wala pa namang lumalapit,” sagot naman ni Darwin. “May mga nagpaparamdam, pero hindi ko nakikita. Pero siyempre may bestfriends akong lalaki tulad ni Enzo. I’m in love with him. Kagaya ng sinabi ko iba-iba ang love, tulad ng brother love, bromance mga ganyan. Sa ngayon hindi ko pa naman nae-experience pero I don’t know. Ang importante ngayon, I’m doing my job with what I love.”

Sa kabilang banda, masaya kapwa nina Enzo at Darwin dahil tanggap ang BL series sa Pilipinas.

“I’m really thankful at least medyo nagiging open minded na ang mga tao rito sa Pilipinas. Hindi naman ito competition. Hindi ko naman nakikita na nakikipag-compete kami sa ibang BL series. Suportahan natin sila at mahalin din natin sila. Pinaghirapan nila ‘yun eh. We all deserve na makilala at tayo-tayo rin ang makikipagtulungan,” ani Darwin.

Idinagdag pa niya na ine-enjoy niya lang ang paggawa ng BL series at hindi siya nakakaramdam ng pressure sakaling ikompara ang My ExtraOrdinary sa ibang BL story.

Gusto naman ni Enzo na may kakompetensiya. “Kasi unang-una nakikita ko sila as motivation para lalo pang mag-succeed. Ikaw Darwin nakikita ko na kakompetensiya kita kasi kailangan na magbigay ako ng tulad ng pagbibigay mo sa akin para mas okey ‘yung acting na ipakita ko.

“Pero friendly competition lang naman iyon,” saad pa ni Enzo.

Ang My ExtraOrdinary ay mapapanood simula Agosto 30, Linggo sa TV 5, 10:00 p.m. at sa Youtube, 11:00 p.m..

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …