Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Back-to-back game shows ng TV5, may ayuda na, sasaya ka pa

NAALIW ka na, may ayuda ka pa. Ito ang handog ng bagong pampasayang game show ng TV5, ang Fill in the Bank at Bawal na Game Show na napanood na noong Sabado.

May ayuda at pera, pera, pera ang Fill in the Bank na sina Jose Manalo at Pokwang ang magbibigay katuturan sa mga salitang ayuda at PPE (Personal Protective Equipment) sa nakaaaliw na laro gamit ang Ayuda Teh! Machine (ATM) and Panghakot na Papremyo Equipment (PPE).

Sa pilot episode ng Fill in the Bank, nakasama nila sina Ronnie Alonte at Jerome Samonte na napalaban sa pag-iimpok ng pera sa banko para makamit ang jackpot money na P150,000.  Makakasama naman nila sa episode 2 ngayong Lunes, Agosto 17, sina Aubrey Miles and Jacq Yu, ang basketball players na sina Matthew Wright at Robert Bolick naman sa Episode 3 (Agosto 19), at volleyball players EJ Laure at Eya Laure sa Episode 4 (Agosto 21).

Dalawang mga kalahok ang sasabak bawat linggo sa mga sumusunod na game rounds: Enter your Pin Code, Cheque or X, Coin Rush and Huli Cash—upang makaipon ng pera at umusad sa susunod na challenge. Mapapanood ang Fill in the Bank sa regular airing nito tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes simula 7:30 p.m. sa TV5. 

Noong Sabado rin unang napanood ang Bawal na Game Show na napanood ang mga nagpapatupad ng batas nitong sina Ghorl Twins Wally Bayola bilang Bebe Ghorl at Paolo Ballesteros bilang Barby Ghorl. Nakasama nila noong Sabado sina Heaven Peralejo, Empress Schuck, Kira Balinger, at Myka Rivera.

Makikigulo sa Agosto 18 sina Jameson Blake, Josh Colet, Luke Conde, ay Miko Raval para sa Episode 2 ng Bawal na Game Show at sa Episode 3 nito (Agosto 20) sina SexBomb Girls Jopay Pagua, Mia Panyarihan, Mhyca Bautistta, at Louise Bolton naman ang makakasama at sa Episode 4 sa (Agosto 22) ang mga komedyanteng sina Jayson Gainza, Pepe Herrera, Jeffrey Tam, at DJ Jai Ho naman ang makikisaya.

Mapapanood ang Bawal na Game Show sa regular airing nito tuwing Martes at Huwebes, 7:30 p.m. at tuwing Sabado ng 7:00 p.m. sa TV5. Ang Fill in the Bank at Bawal na Game Show ay mula sa produksiyon ng Archangel Media sa pangunguna nina Direk Mike Tuviera (President/CEO) at Jojo Oconer (COO).

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …