Sunday , November 24 2024
Berna Romulo-Puyat DOT Department of Tourism
Berna Romulo-Puyat DOT Department of Tourism

DOT’s Madam Berna Puyat ‘atat’ nga ba sa P10-B para sa pagbangon ng turismo?

ISA sa mga hinahangaan natin sa mga Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat.

Pero nakapagtataka ang inaasta ngayon ni Secretary Berna sa pagbabalangkas ng mga dapat gawin para matulungan ang lugmok na tourism industry.

Pinipilit niya ang gusto ni Tourism Congress of the Philippines president Jose Clemente III na bigyan ng direktang tulong o “dole out” ang mga pribadong kompanya sa tourism industry gayong ito ay bawal sa batas.

Para siyang loro na inuulit ang sinasabi ni Clemente. Nang sabihin ni Clemente na dapat daw ibalik ng Kamara ang inilagay na P10 bilyon ng Senado sa panukalang Bayanihan To Recover As One Act  na pautang at tulong para sa tourism sector imbes ilaan para  sa tourism infrastructure, ganoon din ang naging linya ni Puyat.

May P10 bilyon kasing inilaan ang Senado sa bersiyon nito ng Bayanihan To Recover as One Act o Bayanihan 2 para sa pautang sa tourism sector.

Sa bersiyon ng Kamara, ang P10 bilyon ay nilaan para sa infrastructure projects ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA). Ang suporta para sa turismo ay nasa ilalim ng P51 bilyong ipapasok na kapital sa government financial institutions (GFIs) para maipautang sa iba’t ibang negosyong napeste ng CoVid-19, kasama na riyan ang tourism industry.

Ito kasi ang tama at legal na paraan para matulungan ang mga pribadong negosyo sa tourism sector. Hindi puwede ang sinasabi nina Puyat at Clemente na programa umano ng Department of Tourism (DOT) para pondohan ang mga negosyo sa tourism industry.

Tulad nga ng sinabi ni Deputy Speaker LRay Villafuerte bawal ang pagbibigay ng dole out sa mga pribadong kompanya, na ipinupunto ng gusto nina Puyat at Clemente sa paglalaan ng P9.5 bilyon bilang pondo para matulungan ang mga negosyong  tulad ng hotels, resorts at travel agencies gaya ng Rajah Tours na pag-aari ni Clemente.  

Para maging maayos at matulungan ang mga karapat-dapat, ang tamang proseso ay paraanin ang pagbibigay ng mga pautang sa tourism industry sa mga GFIs tulad ng Landbank at Development Bank of the Philippines. Ang mga banko ang mas nakaaalam kung sino ba ang dapat tulungan, magkano ang dapat ipautang, at paano ito mababayaran. Walang kakayahan ang DOT na gawin ito dahil hindi naman nila trabaho ang magpautang.

Kaya nakapagtataka kung bakit tila atat na atat si Puyat na makuha ng DOT ang P9.5 bilyon, kasama ang natitirang P500 milyon para raw sa “support programs” sa tourism industry.

Nakapagtataka rin kung bakit bigla na lang sumang-ayon si Puyat sa linya ni Clemente na hindi raw kailangan ng tourism industry ngayon ang impraestruktura gayong noon lang Marso ay ipinagmamalaki ni Puyat na may P14 bilyon ang TIEZA para sa infrastructure projects na makatutulong para maiahon ang sektor ng turismo mula sa krisis dulot ng CoVid-19.

Tila ba nakalimutan ni Puyat na kaya nga naglunsad ng “Build, Build, Build” infrastructure program ang Pangulong Duterte at ipinagpatuloy pa rin ito kahit sa gitna ng pandemya, ay dahil ang impraestruktura ang lilikha ng maraming trabaho para sa mga displaced workers. Kasama na riyan ang mga nawalan ng trabaho sa tourism industry.

Ang infrastructure program nga mismo ang bubuhay sa ekonomiya at sasalba sa maraming sektor, kasama na riyan ang turismo.

Ano kaya ang nakapagpakombinsi kay Puyat para mag-iba ng pananaw? 

Napag-aralan ba niyang mabuti ang Tourism Response and Recovery Program (TRRP) habang nagpipi-pictorial o nagpo-post sa Facebook na tila isang modelo at ipinakikita ang magagarang damit?

Ano bang kakaiba mayroon ngayon sa inyong departamento Madam Berna?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *