Sunday , December 22 2024

Bilang ng apektado ng CoVid-19 patuloy na dumarami

MARAMI ang nagsasabi, mahirap magpatsek-ap ngayong may pandemya dahil sa CoVid-19 dahil kadalasan umano kahit ordinaryong sakit lang ay isasailalim ka agad sa swab test, lalo na kung private hospital, may bayad ang test at ‘pag minalas-malas ka pa iko-confine ka habang hinihintay ang resulta kaya tatakbo ang hospital bill mo sa mga araw na ikaw ay naka-confine at siguradong kikita ang ospital kung ikaw ay PhilHealth beneficiary.

Kaya marami sa ating kababayan na kung lagnat konting ubo ay self-quarantine na lang sa mga bahay at iinom ng mga gamot.

Kaysa naman dalhin ang sarili mo sa ospital at i-diagnose ng CoVid-19. Kapag namatay ang pasyente dahil sa sakit nitong high blood, sa puso o diabetes, nakakabit na ang CoVid… ang masaklap ‘di na maibuburol ang bangkay deretso na cremation.

Sabi nila kapag wala kang panlasa at pang-amoy CoVid na ‘yan, ‘di ba ang trangkaso ganyan din? Puwede pa kung nahihirapan ka nang huminga! Magpadala ka na sa ospital!

Mayroong isang miyembro ng pamilya na ang ina ay positibo sa CoVid-19, bukod sa mister ay may siyam na anak, naka-quarantine daw ang ina sa isang kuwarto pero ‘pag oras ng kainan si misis daw ang nagluluto ng pagkain. Matatapos na ang 14 days na self-quarantine, malakas pa rin sa kalabaw si misis at walang anak na nakararanas ng mga sintomas ng Covid.

Kaya ang tawag ng mga kapitbahay ay CoVid family… sa lungsod ng Parañaque!

Para makasiguro, mabuti na rin ang mag-ingat, face mask, face shield, at dumistansiya sa mga taong nagsasalita lalo na kung inuubo at may sipon!

Palaging mag-sanitize at gumamit ng alcohol, pagkatapos maghugas ng mga kamay at lahat ng hahawakan na alam natin na maraming humahawak punasan ng alcohol.

Malapit na ang ber months ano kaya ang Pasko ng Filipinas? Mayroon kayang masasarap na pagkain sa mesa? Kahit wala okey lang basta ligtas lang sa CoVid.

Hintayin natin ang buwan ng Enero dahil sa rami ng nagsarang negosyo, malaki tiyak ang pagbabago sa koleksiyon ng mga local government.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *