Saturday , November 23 2024

Video Home Festival, mga pelikulang pang-quarantine

TIPID. Walang gastos. Kahanga-hanga. Ito ang masasabi namin sa naisip na pagtulong ng magaling na entrepreneur at prodyuser na si Dr. Carl Balita sa mga baguhang filmmaker gayundin sa mga miyembrong kasapi ng Mowelfund sa pamamagitan ng kanyang Video Home Festival.

Dahil nga naka-quarantine ang lahat dahil sa pandemya, sa bahay lang ginawa ang 19 short films na kasama sa VHF. Ligtas na wala pang gastos. Kung mayroon man, siguro’y kaunti lamang iyon tulad ng gastos sa pagkain dahil marami-raming artista ang kasali, ayon na rin sa ilang filmmaker na kasali sa VHF.

Ayon kay Balita, naisip niya ang VHF, bilang  aktibo siyang nangangampanya ng stay home during the start of the quarantine until today para na rin makatulong sa mga health at service professionals. Ang Video Home Festival ay isang filmmaking competition na ang tema ay ukol sa “lockdown.” Masusubok dito ang galing kung paano makagagawa ng isang short film gamit lamang ang immediate technology, space, at casts na available lamang sa filmmakers.

“I knew that the filmmakers were oozing with creativity in the new normal and were itching to express their craft even with all the limitations of a quarantine experience,” ani Dr. Carl.  “We were surprised when after more than a month from our launch, entries came in from professionals, film students, and enthusiasts.”

Alam ni Dr Carl na marami sa mga manggagawa ng pelikula at telebisyon ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Kaya naman inilunsad niya ang VHF para makatulong lalo na sa mga miyembrong kasapi ng Mowelfund.

Natuwa naman sa aksiyon na ito ni Balita sina Mowelfund Board Member Boots Anson-Rodrigo at President Rez Cortez.

Sinabi naman ni Festival Director Jek David na karamihan sa mga  entry ay mayroong international caliber, na nagha-highlight sa quarantine experience ng mga filmmaker.

Mapapanood ang mga entry sa VHF sa pamamagitan ng Binge Wave, isang international festival screening platform na naka-base sa USA, sa September 3-4, 2020. Mapapanood din ito sa You Tube  via youtube.com/crbcreview sa September 5-11 para sa mas marami pang donasyon..

Isang Virtual Awards Night naman ang magaganap sa September 20. Ang mga hurado ay binubuo nina Ms. Boots, Rez, festival favorite director Jay Altarejos, multi-awarded actress Angeli Bayani, at film critique Oggs Cruz. Ang kikitain ng pelikula ay ibibigay sa  Mowelfund, Inc.

Labing siyan na pelikula ang kalahok sa VHF mula sa 20 fresh filmmakers. Ang mga ito ay ang mga sumusunod na hinati sa iba’t ibang kategorya:

  1. Love – A Love Letterby Juan Carlo Balasbas TarobalSina Alexa, Xander at Ang Universeby Vahn PascualTayo by Army Encarnacion;
  2. Education – Class of 2020by Robinson PlanillaKaren Is Trying to Connectby Regin De GuzmanLast Sem na ni Peter by Ken LevisteOnline Classes by Sofia Jornacion;
  3. Mental Health – Awitby Lander SyDagiti Tallo a Virgen (Three Virgins)by Melver Ritz GomezSa Ibayo ng Pagtangis by Sophie Casasola, Le Anne Flores, Francis Tavas;
  4. Horror – 3AMbyJei del RosarioHugas Kamay by Kim Delas Alas; Witness by Juan Carlos Ojano; Dead Cough by Bleaux Bastasa;
  5. Existentialism – Batikasby Lino Balmes;Salmo ’91 by Jerico EllorencoSiklo by Sophie CasasolaWhyFi by Mark Balderrama; and
  6. Political Satire – Ayudaby Ryan Termoso

Ang VHF ay handog ng  Dr. Carl BalitaProductions.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *