Tuesday , December 24 2024

Tunay na palaban, malalaman sa The Voice Teens Bakbakan Finale Weekend

NGAYONG weekend (Agosto 15 at 16) na malalaman kung sino sa 12 teen artist ang tunay na palaban sa ikalawang season finale ng The Voice Teens.

Magbabakbakan na nga ang Top 12 teen artists sa kakaibang finale na magpe-perform ang top 12 teen artists mula sa kani-kanilang mga bahay. Bagong hamon ito sa kanila dahil kailangan nilang ipahayag ang mensahe at emosyon ng kanilang mga piyesa sa pamamagitan ng home videos.

Dahil dito, mag-iiba rin ang mechanics kung paano pipiliin ang grand winner na malalaman ngayong weekend sa mismong programa.

Magtatagisan sa Kamp Kawayan ni coach Bamboo ang lumaban na rin sa nakaraang seasons ng The Voice Kids– ang unstoppable acoustic artist ng Iloilo na si Rock Opong, ang small girl with a big comeback ng Rizal na si Kate Ocampo, at ang heartfelt sound ng Alabang na si Heart Salvador.

Mag-aagawan naman sa Kampeonato sa Team ni coach Sarah Geronimo ang mapusong mang-aawit ng Bacolod na si Jaylloyd Garche, ang songstress with fierceness ng Las Pinas na si Kendra Aguirre, at ang soulful son ng Antipolo na si Andre Parker. 

Maglalaban-laban naman bilang top artist ng FamiLea ni Lea Salonga ang belting boy ng Surigao na si Kristian Rajagopal, ang pristine princess ng Negros Occidental na si Cydel Gabutero, at ang rocker chick ng Cebu na si Alexia Tag-at.  

Mula naman sa team ni coach Apl de Ap, magbabanggaan sa kantahan ang palabang teen mom ng Batangas na si Yang-yang Aloya, ang new gen siren ng Muntinlupa na si Isang Manlapaz, at ang promising balladeer ng Camarines Sur na si Calvin Candelaria. 

Ang ikalawang season ng The Voice Teens ay pinangungunahan ng hosts na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga. Lingo-linggo itong sinusubaybayan ng bansa simula noong Pebrero sa ABS-CBN hanggang sa pagtuloy nito sa cable TV sa Kapamilya Channel noong Hunyo matapos ang pagtanggi sa franchise application ng ABS-CBN.

Tutukan ang finale weekend ng The Voice Teens sa Sabado, 7:30 p.m. at Linggo, 7:15 p.m. sa Kapamilya Channel sa SKYchannel 8 sa SD  at Channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa. Mapapanood din ito nang live sa Kapamilya Channel at maaaring mababalik-balikan ang episodes ng sa iWant app o iwant.ph.

Para naman mapanood ang The Voice Philippines DigiTV at makakuha ng updates, i-like ang facebook.com/TheVoiceTeensABSCBN, sundan ang @thevoiceteensph sa Twitter, at mag-subscribe sa The Voice Teens Philippines channel sa YouTube.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *