HINANGAAN ni Nonie Buencamino ang tapang at katatagan ng pamilyang Layug.
“Nakaramdam ako ng pagmamahal para sa pamilyang ito na puro frontliners. Lahat sila isinugal ang buhay nila para sa kanilang kapwa at para sa kapakanan ng mga pasyente nila, pinipigilan nilang maging emosyonal sa harap ng iba pero tao pa rin sila, natatakot at nagkakasakit. Pero lumaban sila. Hindi sila nagkawatak-watak. Sinuportahan nila ang isa’t isa, at isinantabi ang pride,” pahayag ng mahusay na aktor.
Sa Walang Iwanan: The Layug Family Story, mapapanood ang napapanahong kuwento ng Layug family na nasa Amerika at nagkasakit ng Covid-19.
Ito ang bagong episode na mapapanood ng Kapuso viewers sa Magpakailanman ngayong Sabado, August 15 sa GMA.
Tampok dito sina Nonie at Shamaine Buencamino bilang Rainier at Remy Layug, at si Rita Daniela bilang Lea.
Ang episode na ito ay alay ng Magpakailanman sa medical frontliners bilang pagbibigay papuri at pasasalamat.
Alam nating lahat na noon pa man at lalo na ngayon sa panahon ng pandemya, ang mga medical frontliner ay maituturing na mga bayani sa buong mundo.
Sa direksiyon ni Zig Dulay, alamin ang buong kuwento ngayong Sabado, 8:00 p.m., sa .pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.
RATED R
ni Rommel Gonzales