ISA tayo sa mga natutuwa sa magandang mangyayari ngayong araw, Biyernes, 14 Agosto 2020, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa wakas po ay may isang Senator Christopher “Bong” Go na hindi lang nakapansin kundi umaksiyon bilang tugon sa matagal nang hinaing ng mga non-organic employees na nagtatrabaho sa NAIA.
Simula po nang mag-lockdown (enhanced community quarantine) noong Marso 2020 hanggang mag-general community quarantine (GCQ) walang natanggap na ayuda mula sa mga opisyal ng pamahalaan ang nasabing mga trabahador.
Sa kanilang sariling diskarte ay nakaraos sila noong nakaraang lockdown pero paano na ngayong may modified enhanced community quarantine (MECQ) na naman?!
Ilang beses din nating naikolum ang kanilang kalagayan kaya naman natutuwa tayo kung kahit paano ay may aksiyon na ang isang Senador na gaya ni Bong Go.
Kahapon 13 Agosto, mayroon nang ilan na nakatanggap ng tig-P3,000, at marami pang iba na tatanggap ngayong araw ng ayuda mula kay Senator Bong G., sa pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod sa P3000 cash, mayroon pang relief goods at nagpa-raffle ng limang bisikleta nitong Miyerkoles, 12 Agosto 2020 sa NAIA terminal 3.
Kahapon, Huwebes, 14 Agosto, ang DSWD at mga staff ni Senator Bong Go ay nagpunta sa NAIA terminal 1 upang ipamahagi ang tig-P3000 sa lahat ng non-organic personnel and building attendants, nagpa-raffle at namigay ng relief goods.
At ngayong araw ng Biyernes, mismong si Senator Bong Go kasama ang DSWD ang mamamahagi ng
relief goods, cash assistance, at magpapa-raffle pa.
Nakausap mismo ni SBG sa video chat ang mga empleyado at ang sabi niya: “Nararamdaman namin ang hirap na nararanasan ng mga ordinaryong empleado lalo na ngayong nasa pandemic tayo dahil sa CoVid-19.”
Tiniyak din ni SBG na kapag available na ang bakuna ay uunahin ang mahihirap nating mga kababayan.
Ayon sa Media Affairs Division ng Manila International Airport (MIAA), ang mga non-organic personnel na hindi pa nakatatanggap mula noong Miyerkoles, ay magpakita lamang ng valid na government ID o monthly o daily pass ay makukuha na ang nakalaan para sa kanila.
Mabuhay ka Senator Bong Go!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap